Showbiz News

'Because I Love You,' first time mapapanood sa free TV ngayong Linggo

By Marah Ruiz

Sa unang pagkakataon, mapapanood na sa Philippine free TV ang pelikulang Because I Love You na pinagbidahan ng Kapuso stars na sina David Licauco at Shaira Diaz.

Ang 2019 romantic film ang pinaka aabangang tambalan nina David at Shaira.

Gaganap si Shaira bilang si Summer, isang very independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero.

Si David naman ay si Rael, tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.

Magkaiba ang mga mundong ginagalawan kaya mag-aalangan si Summer na buksan ang kanyang puso kay Rael.

Bibigyan ba ng pagkakataon ni Summer si Rael?

Kasama nina Shaira at David sa pelikula si award-winning actor Martin del Rosario at si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee.

Huwag palamapsin ang Philippine free TV premiere ng Because I Love You ngayong Sunday, September 6 sa GMA Blockbusters.