Showbiz News

Kyline Alcantara, ready na tumanggap ng 'mature roles'

By Aaron Brennt Eusebio

Ngayong 18 years old na si Kapuso breakout star Kyline Alcantara, inamin nyang handa na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.

Ayon kay Kyline, gusto niyang na-cha-challenge siya sa kanyang mga ginagampanang role.

Aniya, “I will accept more 'mature' or like 'challenging roles' because people will expect more from me.”

“So that's a challenge for me and I like challenges.”

Ibinahagi rin ni Kyline ang kanyang wish sa kanyang 18th birthday ay ang mas dumami pa ang "Sunflowers," ang tawag sa kanyang fans.

Saad niya sa interview ng 24 Oras, “Basta gusto ko mas dumami 'yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course.”

“With my family, maging safe po, mas humaba pa po 'yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po.”

Bukod sa 'All-Out Sundays,' parte rin si Kyline Alcantara ng afternoon soap na 'Bilangin ang Bituin sa Langit' kung saan kapareha niya si Yasser Marta. / Source: itskylinealcantara (IG)

Noong story conference ng Bilangin ang Bituin sa Langit noong November 2019, sinabi ni Kyline na ready na siya sa mature roles.

Mapusok kasi ang ginagampanan ni Kyline sa Bilangin ang Bituin sa Langit na si Maggie, kung saan kasama niya ang mga beteranong aktress na sina Nora Aunor at Mylene Dizon.

Saad ni Kyline, “Well, dahil papunta na ako sa adult role, feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up.”

“So, yeah. I think I'm ready to mature but not in a very sexual way.”

Habang hindi pa nagbabalik telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, mapapanood si Kyline sa All-Out Sundays.

IN PHOTOS: Kyline Alcantara's ethereal 18th birthday shoot

'Bilangin ang Bituin sa Langit' actor Yasser Marta pens heartfelt message for co-star Kyline Alcantara