Showbiz News

Ivana Alawi fulfills Lloyd Cadena's final challenge

By Cara Emmeline Garcia

Bago sumakabilang buhay ang popular YouTuber na si Lloyd Cadena, hinamon niya si Ivana Alawi sa isang bus wash challenge.

Ani Lloyd sa kanyang August 28 vlog, “Hinahamon ka namin Ivana Alawi. Maglinis tayo ng bus. Pabilisan tayo maglinis ng bus.”

Noong Linggo, September 6, buong pusong tinanggap ni Ivana ang hamon ng late YouTuber.

Aniya sa video, “Kahapon, September 4, may isang respected at napakabuting YouTube vlogger ang namatay, si Lloyd Cadena.

“Lahat tayo nagulat kasi biglaan 'yung nangyari. Nung nabasa ko kahapon, akala ko prank kasi 'di naman natin ine-expect na ganun kabilis 'yung mga bagay-bagay, na biglang mawawala na lang 'yung mga taong mahal natin.

“Nung nalaman kong totoo nga, pumunta ako sa kanyang channel at pinanood ko 'yung huling video niya na carwash.

"Sobrang na-touch 'yung puso ko kasi binanggit niya ako.

“Parang, hinamon niya ako. Alam mo 'yun? 'Yung huling hamon? So ako, parang kailangan ko siyang gawin. Kailangan kahit papaano may gawin ako in my own small way.

“So, nagdecide ako na gawin 'tong bus carwash para kay Lloyd.”

Bilin ni Ivana sa manonood na huwag i-skip ang ads sa video dahil plano niyang i-donate ang ad revenues sa pamilyang naiwan ng YouTube personality.

“Kahit 'wag na kayong mag-subscribe o mag-like sa video na ito,” saad niya.

“Ang hiling ko lang sana ay 'wag niyong i-skip 'yung ads kasi lahat ng kikitain ng video na ito ay mapupunta sa naiwang pamilya ni Lloyd na kahit papaano ay makatulong tayo sa kanila.

“Kahit hindi mayaman si Lloyd, nakita ko na kahit may utang siya ay mas inuna niya na mamigay ng tablet sa mga bata. Sobrang mabuti niyang tao.

“Kaya minsan, 'di ko alam kung bakit lahat ng mabubuting tao kinukuha ni Lord.”

Bago pa man niya simulan ang challenge, ibinahagi ni Ivana na malaking inspirasyon para sa kanya ang YouTube vlogger.

Wika niya, “You are loved by so many people and you will always be remembered.

“Ang tagal mo na sa YouTube and ikaw 'yung naging inspirasyon ko dati dahil napakalapit mo sa pamilya mo, napakabuti mong tao, at saka ikaw ay mapagmahal.

“Kaya Lloyd tinatanggap ko ang huling hamon mo.”

Panoorin ang buong video:

Pumanaw si Lloyd Cadena noong Biyernes, September 4, 2020, sa edad na 26 years old.

Kamakailan, naglabas ng statement ang pamilya ni Lloyd tungkol sa sanhi ng pagkamatay niya.

Anila, “Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3.

“On September 4, 5 a.m., he was seen by the staff unresponsive and pale-looking. As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep.”