Showbiz News

Throwback photo ni Direk Ronnie Henares, nagbigay ngiti online!

By Aedrianne Acar

Napangiti ang marami nang makita ang throwback photo ng Pepito Manaloto star na si Ronnie Henares sa Instagram.

Makikita sa post ni Ronnie sa Instagram noong Linggo, September 6, ang kuha niya noong bata pa siya. Biro ng talent manager-producer, “Hard to imagine this was me many, many moons ago!”

Napa-react din sa post ng Kapuso star ang ilan sa mga katrabaho niya sa Kapuso sitcom na sina Michael V. at John Feir.

Napa-comment din ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na sinabing “pogi” si Direk Ronnie.

Matatandaan na dating naging manager ni Regine si Ronnie na siya ring humawak sa careers nina Lani Misalucha at Nanette Inventor.

PEPITO MANALOTO: Good bye na ba kay Tommy?

John Feir, Mosang, nagbangayan ba nang magkita sa taping ng 'Pepito Manaloto'?

LOOK: 'Pepito Manaloto' star Ronnie Henares wins at the Chief PNP Bato Cup 2016