Showbiz News

Off-cam with Aurora

Starstruck alum and television kontrabida Katrina Halili updates us on her projects and her case against Hayden Kho. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio. Isang mahiyain at palangiting Katrina Halili ang sumalubong sa iGMA.tv Team during an exclusive interview kamakailan lamang. Kaya naman kinamusta na namin ang dalaga tungkol sa kanyang napaka-successful na primetime show na Langit sa Piling Mo, where she plays the kontrabida Aurora. “Sana po manood kayo ng Langit Sa Piling Mo. Malapit na po kaming matapos. Marami pang revelation at saka marami pang kababalaghan na gagawin si Stanley, susunod lang si Aurora,” pagi-invite ni Kat. Bukod sa masaya ang dalaga sa daloy ng show, masaya rin si Kat na makatrabaho si Heart para sa project na ito. “Nakakatuwa [si Heart]. Sobrang professional katrabaho at mabait,” nakangiting sagot ni Kat, “Nagkukulitan kami sa set.” As a matter of fact, marami nga rin siyang na-discover tungkol sa dalaga during their tapings. “Makulit din pala si Heart! Akala ko kasi tahimik lang siya tapos hindi siya nakikipag-usap,” masayang kuwento niya. Dagdag pa ni Kat, lagi nga raw siyang ini-invite ni Heart sa kanila ngunit dahil sa busy niyang schedule ay hindi siya nakakapunta, “Lagi siyang nagi-invite sa house niya kaso hindi ako nakakapunta.” Dahil sa malapit nang matapos ang kanyang primetime show, saan naman kaya natin susunod na mapapanood si Kat? “Hindi ko pa alam iyong title, pero meron na [sa] Sine Novela,” kuwento ng dalaga. Dagdag pa niya, kontrabida pa rin ang role na gagampanan niya dito, pero syempre gusto niya ring bumalik sa pagiging bida, “Syempre [gusto ko ulit mag-bida]! Syempre naman. Sino bang ayaw maging bida.” Hindi na rin namin pinalampas ang pagkakataong kumustahin ang daloy ng kaso ni Kat against Hayden Kho. “Sa ngayon, last na lang po ata iyong sa side ko. Tapos si Hayden [Kho] na iyong next sa witness stand. Okay naman so far. Hindi ako nakaka-attend, pero sabi ng lawyer ko okay naman,” pagtatapos ng dalaga. Watch Katrina as she plays the villain Aurora sa huling linggo ng Langit sa Piling Mo, weeknights bago ang 24 Oras. Pag-usapan si Katrina sa mas piangandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here. Get more updates from Katrina through her Fanatxt service! Just type KATRINA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.