Showbiz News

Justin and Stephanie's first meeting | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Sa unang linggo ng My Love From Another Star, nakilala natin sina Justin (Nadech Kugimiya) at Stephanie (Matt Peranee).

Si Justin ay isang alien mula sa bituing KMT 184.5. Halos 330 taon na ang nakalipas nang mapunta siya sa planetang Earth at nakapag-adjust na sa pamumuhay ng mga tao.

Si Stephanie naman ang kamangha-manghang aktres mula sa Thailand. Sa likod ng angking ganda at talento niya, medyo mahina ang pag-iisip ni Stephanie kaya naman laging nakatutok ang mata ng publiko para pagtawanan siya.

Nagkatagpo ang dalawang bida habang papauwi si Stephanie sa kanyang bagong serviced apartment. Akala ni Stephanie na isang stalker si Justin ngunit napahiya siya nang malamang kapitbahay pala niya ito.

Okay na sana ang lahat kaso may kaingayan pala si Stephanie kaya hindi na napigilan ni Justin na katukin ang pintuan nito upang pagsabihan ang kapitbahay.

Let the neighbor wars begin!

Samantala, ilang taon nang inaalok ni Mark (Masu Junyangdikul) si Stephanie para magpakasal pero hindi pa rin niya makamit ang matamis na “oo” nito.

Bakit kaya? Alamin:

Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.