Showbiz News

Poll: Sino ang gusto mong makatuluyan ni Marj?

Sa pagtatapos ng primetime soap opera na Langit sa Piling Mo, sino kaya sa tatlong leading men ni Marj ang gusto para sa kanya ng mga televiewers? Text by Ayessa De La Pena. Photos courtesy of LSPM Production. Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa soap operang Langit sa Piling Mo. Bukod pa rito, naging maganda rin ang reviews na nakuha ng show, both in terms of its story at sa pag-portray ng mga artista sa kanilang mga roles. Umiikot ang kuwento sa buhay ni Marj, played by Heart Evangelista. Sa istorya ay hinahanap ni Marj ang kanyang mga napawalay na mga kapatid, ngunit syempre hindi mawawala sa istorya ang love angle. Kaya naman hindi isa, ngunit tatlong leading men ang meron si Marj sa soap na ito. Nakatanggap ang iGMA.tv ng 824 votes para sa poll na ito at 2% ang nagsabing gusto nilang makatuluyan ni Marj ang bestfriend niyang si Gerry na ginampanan ni JC Tiuseco. 9% of the voters naman ang nagsabing kahit sino sa tatlo ay karapat-dapat sa pagmamahal ni Marj, dahil nga naman pareho silang tatlong mahal na mahal ang ating bida. 15% naman ang may gustong makatuluyan ni Marj si Xavier, played by Daniel Matsunaga na real-life partner naman ni Heart. At ang majority ng voters o 74% ay nagsabing si Rigo, played by Mark Herras, ang karapat-dapat na makatuluyan ni Marj. Sa final episode ng Langit sa Piling Mo, ang kababata ni Marj na si Rigo ang nakatuluyan ng dalaga. Ngunit masaya rin para sa kanya ang dalawa pa niyang leading man na sina Gerry at Xavier. Happy ending pa rin ito para sa kanilang lahat. Bumoto na sa poll question ng iGMA by logging on sa iGMA.tv. ‘Wag ring kalimutang abangan ang pilot episode ng Bantatay mamaya na papalit sa timeslot ng Langit sa Piling Mo bago ang 24 Oras. Pag-usapan ang ending ng Langit sa Piling Mo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!