Showbiz News

Winnie Monsod, tinuruan sina Boots Anson-Roa at Leo Martinez kung paano mag-Zoom

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi lang ang mga kabataan ang kailangan mag-adjust sa "new normal" dahil pati ang mga senior citizen ay kailangan na rin matuto kung paano gumamit ng online video conferencing app.

Sa susunod na episode ng 'Newsmakers with Winnie Monsod,' na mapapanood sa GMA News TV sa Lunes, September 21, tinuruan ni Mareng Winnie ang kanyang kapwa senior citizens na sina Boots Anson-Roa at Leo Martinez kung paano mag-send ng Zoom invite.

Kahit hindi techie sina Boots at Leo, nag-try pa rin sila na sundan ang tinuturo ni Mareng Winnie. Noong hindi na nasundan ni Boots ang itinuturo ni Mareng Winning, tumawag na siya ng tulong mula sa kanyang asawang si Atty. King Rodrigo.

Nang umupo na si Atty. King sa harap ng computer, may itinanong ni Mareng Winnie na nagpatawa sa kanilang apat.

“Ano ka ba? Chrome ka ba o Safari?” tanong ni Mareng Winning kay Atty. King.

Ang Chrome at Safari ay parehong browser kung saan pwedeng mag-search ng kung anu-anong bagay sa internet.

Sagot ni Atty. King, “Why do you ask difficult questions? Ano bang meeting no'n?”

Makapag-send kaya ng Zoom meeting invite sina Leo at Boots? Panoorin ang nakakatuwang report ng 24 Oras sa video sa itaas.

Ang mga beteranong actor na sina Leo Martinez at Boots Anson-Roa ang guest ni Mareng Winning sa susunod na episode ng 'Newsmakers.'

Mapapanood ang Newsmakers with Winnie Monsod tuwing Lunes, 9:30 p.m., sa GMA News TV.

Winnie Monsod battles three Kapuso news anchors in photo challenge

Winnie Monsod is impressed by a cosplayer's makeup transformation