Showbiz News

Makulay Ang Buhay: Wastong paggamit ng gadgets at tamang nutrisyon para sa mga bata

By Jansen Ramos

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa una nitong episode, ishinare nila ang importansya ng tamang nutrisyon sa mga bata at ang wastong paggamit ng mga gadget sa pamamagitan ng pagkanta at pagsalaysay ng kwento ni Abet Gadget.

Base sa kwento, hindi maubos ni Abet ang kanyang pagkain dahil subsob na subsob siya sa paglalaro ng games sa kanyang tablet.

Madalas ay inaabot siya ng hating gabi kaya naman napaginipan niya ang mga monster mula sa kanyang favorite video game.

Buti na lang, to the rescue ang 'gulay squad' na sina Kaloy Kalabasa, Malou Malunggay, at Kristie Kamatis para labanan ang mga monster.

Pagkagising ni Abet, na-appreciate niya ang kahalagahan ng pagkain gulay kaya nag-request siya sa kanyang ina na magluto ng ginataang gulay. Bukod pa rito, natutunan din ni Abet ang wastong paggamit ng gadget.

Mula noon, imbes na maglaro ng video games, sinisimulan niya ang kanyang araw ng pagdarasal at pag-aayos ng kanyang silid.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.