advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Vic Sotto

1 of 19

Pauleen Luna

Nitong Enero lamang ay nagdiwang ng kanilang 5th wedding anniversary sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

2 of 19

Paulina Sotto

Si Paulina Sotto ang anak ni Vic sa former actress na si Angelu Luz. Sa larawang ito, makikita ang regalong luxury car ni Vic sa anak bilang graduation gift nang magtapos siyang cum laude sa Ateneo de Manila University noong 2015.

3 of 19

Angela Luz

Nong ikinasal si Paulina ay parehong dumalo sina Angela at Vic sa importanteng araw ng kanilang anak.

advertisement
4 of 19

Danica Sotto

Si Danica Sotto ang panganay na anak ni Vic sa dating asawa na si Dina Bonnevie.

5 of 19

Dina Bonnevie

Pinakasalan ni Bossing Vic Sotto si Dina Bonnevie noong 1982 at nagkaroon sila ng anak na sina Danica at Oyo Boy Sotto. Noong 1986 ay nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay at napawalang-bisa ang kanilang kasal pagkalipas ng anim na taon.

6 of 19

Coney Reyes

Nagkaroon din ng anak si Vic sa kanyang dating 'Eat Bulaga' co-host na si Coney Reyes. Narito ang larawan nila kasama ang anak na si Vico Sotto.

advertisement
7 of 19

Alice Dixson

Naging leading lady ni Vic si Alice Dixson sa 'Okay Ka, Fairy Ko!' at siya ang kauna-unahang gumanap sa karakter ni Faye.

8 of 19

Tweetie de Leon and Ruby Rodriguez

Kamakailan lamang ay binisita ni Tweetie de Leon ang kanyang dating 'Okay Ka, Fair Ko' co-stars na sina Vic, Ruby, at Aiza. Isa rin si Ruby sa matagal nang kasama ni Bossing sa industriya.

9 of 19

Aiza Seguerra

Sikat na sikat noon ang mga pelikulang pinagbidahan nina Vic at Aiza Seguerra noong 90s.

advertisement
10 of 19

Christine Jacob

Nahulog din ang loob ni Christine Jacob kay Vic noong mga panahong host siya ng 'Eat Bulaga.' Hindi rin gaanong nagtagal ang kanilang relasyon at nagdesisyong umalis si Christine sa noontime variety show nang maghiwalay sila.

11 of 19

Isabelle de Leon

Natatandaan pa ba ninyo ang Kapuso show na 'Daddy Di Do Du?' Si Isabelle de Leon a.k.a. Duday ang tumayong bunsong anak ni Vic sa nasabing sitcom.

12 of 19

Pia Guanio

Taong 2005 nang aminin nina Pia Guanio at Vic na mayroong namamagitan sa kanila. Pagkatapos ng limang taon, nagulat na lamang ang lahat nang sila'y maghiwalay.

advertisement
13 of 19

Kristine Hermosa-Sotto

Ilang beses na gumanap si Kristine Hermosa bilang Faye sa movie series na 'Enteng Kabisote.' Matapos maging leading lady ay daughter-in-law na ngayon ni Vic si Kristine matapos siyang mapangasawa ni Oyo Boy Sotto.

14 of 19

Ryzza Mae Dizon

Isa sa mga sumikat na 'Little Miss Philippines' si Ryzza Mae Dizon. Simula nang manalo itoi sa nasabing kompetisyon ng 'Eat Bulaga,' regular na silang magkasama ni Bossing sa noontime variety show pati sa ilang pelikula tulad ng 'My Little Bossings.'

15 of 19

Kris Aquino

Mayroong mga kumalat na balita noon na muntik nang magkaroon ng relasyon sina Vic at Kris ngunit nanatiling tikom ang kanilang mga bibig tungkol sa isyu. Kabilang din si Kris sa cast ng pelikula ni Vic na 'My Little Bossings.'

advertisement
16 of 19

Gwen Zamora

Si Gwen Zamora naman ang pumalit kay Kristine bilang Faye at tumayong leading lady ni Vic sa pelikulang 'Si Agimat at Si Enteng Kabisote.'

17 of 19

Cristine Reyes

Naging leading lady rin ni Vic si Cristine Reyes sa pelikulang 'Ang Darling Kong Aswang.'

18 of 19

Aiai Delas Alas

Noong nakaraang taon ay nagsama sa pelikulang 'My Bebe Love #KiligPaMore' sina Vic at Aiai Delas Alas. Sa kasalukuyan ay mayroong Kapuso sitcom ang dalawa na 'Hay, Bahay!'

advertisement
19 of 19

Baby Talitha Maria Sotto

Vic's bunsong baby girl, Baby Tali!