Showbiz News

Joyce Ching is a Happy Tween

Joyce Ching still is overwhelmed sa attention na nakukuha niya because of her role sa Endless Love. Now she has three new shows on her roster and the pretty tween is happy about it. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio. Her character Shirley from the Philippine television adaptation of Endless Love is a far cry from her real character. As a matter of fact, kahit na singkit ang mga mata ng tween star na si Joyce Ching, hindi pa rin niya naitago kung gaano siya kasaya during our interview when asked kung kumusta siya. “Okay naman po. After noong Endless Love, binigyan nila ako ng Ang Yaman ni Lola iyong sa Public Affairs. So after noong kontrabida sa Endless Love, nalipat naman sa comedy,” nakangiting sagot ni Joyce. Kuwento nga niya, masaya siya dahil marami ang nakapansin sa kanya kahit na nakakainis ang role na ginampanan niya sa drama series na ito. “Super happy po ako. Parang wow, na-appreciate nila iyong ginawa ko,” natutuwang sagot ng tween star, “and maraming natuwa, marami ring nainis dahil nga daw nakakaasar iyong role ko.” Sa katunayan nga, dahil sa Endless Love ay nagkaroon ng fan base si Joyce online at nagsimula na rin ang pagdami ng kanyang mga followers. Ngunit ayon kay Joyce, overwhelmed pa rin siya dito at hindi siya makapaniwala. “Nakaka-overwhelm pa rin po minsan pero masaya naman po,” nakangiting sagot niya. Sa ngayon ay busy si Joyce sa kanyang isa pang show na mapapanood tuwing Sunday, ang Reel Love presents Tween Hearts. Excited nga siya sa project na ito dahil kasama niya ang mga kapwa niya tween stars. In this show, Joyce plays the role of Aya na isang eccentric nerd na mahilig makipag-usap sa plants. “Challenging rin kasi iyong role ko dito, weird na nakikipag-usap sa mga plants,” she says, “At the same time, may love triangle rin na mangyayari.” Nakaka-relate ba siya sa napaka-weird niyang character dito? “Ina-analyze ko pa po! Sobrang weird talaga!” natatawang sagot ng tween star, “Home study ako nag-start mag-aral hanggang grade six, tapos nakikipag-usap ako sa plants. Siguro iyong medyo may pagka-shy type, iyon siguro ang mare-relate ko sa sarili ko.” At the end of the interview, Joyce thanked all her followers sa patuloy na pagsuporta sa kanya: “Sa Joycenatics, Joyce Lovers, thank you sa kanila. Keep supporting me and iyong Reel Love,” pagtatapos niya. Abangan si Joyce Ching sa bago niyang show which will begin on October 11, ang Koreana! Pag-usapan si Joyce sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here.