Showbiz News

Dingdong Dantes, hanga sa husay ni Marian Rivera

By Dianara Alegre

Balik-taping na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa Tadhana sa direksyon ng asawa niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa bahay ng mga Dantes ang taping para sa fresh episodes ng programa dahil maigiting pa ring isinasaalang-alang ng actress-host ang kaligtasan niya, lalo na ng kanyang pamilya, mula sa COVID-19.


Source: marianrivera (IG)

Ayon kay Marian, nang makapanayam ng 24 Oras, nasa adjusting stage pa raw siya sa pagbabalik-trabaho matapos ang mahigit anim na buwan na pahinga dahil sa community quarantine.

“Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil siyempre sanay tayo na lumalabas tayo ng bahay 'pag nagtatrabaho.

"Pero this time, dito sa loob ng bahay namin halos ginagawa lahat ng trabaho,” aniya.

Limitado lamang ang staff ng programa na maaaring pumasok sa bahay nila at mismong si Dingdong na rin ang naging direktor niya.

Nang kumustahin ni Lhar Santiago kung anong klaseng direktor ang kanyang asawa, sagot ni Marian, “Sisiguraduhin niya na tama 'yung mga ginagawa ko.

"Minsan kasi may shortcut. Hindi pwede sa kanya 'yon.

"'Tsaka hindi pwede sa kanyang isang shot. Kailangan maraming shots.”

Aminado naman si Dingdong na humahanga siya sa husay ng asawa.

“Ang saya. E, ikaw [Marian] ba naman lagi nakikita ko sa harap ng lente ko.

"Very prepared parati. Very professional. Hindi higit sa lahat, e, mahusay talaga,” aniya.

Sa ngayon, Tadhana pa lamang ang tinatanggap niyang trabaho dahil maaari naman itong gawin sa loob ng bahay nila.

Nauna na ring ibinahagi ng aktres na hindi na siya tutuloy sa dapat sana'y tambalan nila ni Gabby Concepcion para sa First Yaya.

Health threat na dulot ng COVID-19 pandemic ang dahilan din ng aktres sa desisyon siyang pag-back out sa

“Aaminin ko na natatakot din talaga akong lumabas kasi hindi ko alam paglabas ko anong makukuha ko. 'Tapos uuwi ako sa mga anak ko.

“Hangga't maaari, gusto ko na sa bahay lang talaga ako. At kung may trabaho ako, dito ko gagawin sa bahay sa tulong ng asawa ko,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Dingdong, malinaw sa aktres ang priorities niya.

“Hanga ako sa kanya dahil alam kong hindi naging madali para sa kanya 'yung desisyon na 'yon.

“Sobrang excited niyang ibinigay sa kanya 'yung isa sa mga role na hinihintay niya, lalo na dahil makakasama niya si Gabby Concepcion.

"And mahal na mahal niya 'yung mga makakatrabaho niya rito, 'yung cast members pati direktor.

“She had to make a choice. Napag-usapan naman namin ito at klaro sa kanya 'yung kanyang priorities,” sabi pa niya,” sabi pa ng aktor.