Showbiz News

Reunion ng 'That's Entertainment' stars, tuloy na tuloy na!

By Cherry Sun

Tuloy na tuloy na ang virtual reunion ng That's Entertainment stars!

Nauso ngayong may quarantine ang online reunion ng iba't ibang celebrity groups at mga dating programa. Sa katunayan, nitong Mayo ay nagpatikim na rin ng isang mini-reunion sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Janno Gibbs, Monching Gutierrez, Keempee de Leon at Romnick Sarmienta sa kanilang performance sa 'That's Quarantainment.'

Ang good news, muling magsasama-sama ang karamihan ng stellar cast ng That's Entertainment sa kanilang gagawing Zoom-mustahan sa October 3. Ito ang kinumpirma nina Tina at Lilet Esteban sa kanilang Instagram posts.

Muli rin nilang binuhay ang kanilang official Instagram account kung saan magpo-post sila ng iba't ibang content at updates tungkol sa kanilang nalalapit na reunion.

Ang That's Entertainment ay ang dating Kapuso variety show na nilikha ni German "Kuya Germs" Moreno.

Heart Evangelista at That's Entertainment reunion, kinagiliwan sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga

Then and Now: Members of the 'That's Entertainment' Monday group