Showbiz News

Alden Richards, magbibigay payo sa kapwa niya restaurateur sa 'Lockdown: Food Diaries'

By Aaron Brennt Eusebio

Mapapanood na bukas, September 27, ang Lockdown: Food Diaries, na iho-host ni Asia's Multimedia Star at restaurateur na si Alden Richards.

Babalikan ng special documentary na hatid ng GMA News and Public Affairs ang ilang sa mga nausong pagkain habang naka-quarantine ang karamihan tulad ng ube cheese pandesal, at burnt cheesecake.

Bukod riyan, magtuturo din si Alden ng ilang masusustansyang pagkain katulad ng kanyang salad.

Magbibigay payo rin si Alden sa mga kapwa niyang restaurateur kung ano ang kanyang natutunan ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, “Ang goal ngayon is to survive. Kumbaga, survival ngayon ang labanan mga businesses.”

“What better way to do that is really to adjust, cope, fine ways to sustain, and survive.

“Kailangan talaga maging maabilidad natin at mag-adjust tayo sa new normal kasi hindi natin kasi pwedeng hintayin matapos, e.

“Kailangan ngayon pa lang, gumagawa na tayo ng certain ways and measures para manatili 'yung mga negosyo natin.”

Mapapanood ang Lockdown: Food Diaries sa Linggo, September 27, 3:45 pm sa GMA.


Alden Richards shares his takeaways from latest docu special