Showbiz News

Rhian Ramos, pamilya ang naging sandalan matapos ng breakup nila ni Amit Borsok

By Dianara Alegre

Inanunsiyo ni I Can See You star Rhian Ramos na hiwalay na sila ng Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok sa latest vlog niyang may titulong “Breakups, Decisions, and Your Assumptions,” nitong Huwebes, September 24.

Sa report ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na ang pamilya niya ang naging sandalan niya habang pinagdadaanan ang heartbreak, na nagdulot ng labis na stress sa kanya.

Ito ang sinasabi niyang dahilan ng kanyang biglaang pagpayat at hindi ang mga espekulasyon na mayroon siyang eating disorder.

Source: whianwamos (IG)

“If there's something that I am so grateful, [it's] how close my family has become.

“Du'n ko talaga na-feel na kahit anong pagdadaanan namin sa buhay, kahit anong challenges ang darating sa mga buhay namin, the rest of the family will always be there for you,” aniya.

Hindi naman ipinahayag ni Rhian ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Source: whianwamos (IG)

Samantala, tampok ang aktres sa pinakabagong handog ng GMA, ang drama anthology na I Can See You.

Binubuo ito ng apat na weekly mini-series, ang “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Bibida si Rhian sa huling installment, ang “Truly. Madly. Deadly.” kasama sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Ruby Rodriguez.

Magsisimula na ang I Can See You ngayong September 28, 9:15 p.m., sa GMA Telelebabad.