Showbiz News

Mark Anthony excited to go back to drama

Sa story conference ng kanyang susunod na show sa Kapuso network, inamin ni Mark Anthony Fernandez na he is looking forward sa kanyang pagbabalik drama and to his reunion with the award-winning director, Maryo J. delos Reyes. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio After doing the very successful Kantaserye, Diva, Mark Anthony Fernandez is really excited to go back to drama. “Natutuwa ako na magbabalik drama na ako, dahil na-miss ko rin talaga ang drama. Mas gusto ko ang drama kaysa ang kumanta, hirap na hirap ako dun,” ang pabirong pahayag ng aktor ng makausap sya ng iGMA.tv after ng story conference ng kanyang bagong show. Tentatively titled Little Star, Mark will be working opposite Jennylyn Mercado and Lovi Poe and will be directed by no other than Maryo J. delos Reyes, who was also his director in the top-rating soap, Impostora. “Yes, very excited ako because Mario J. nga ito tapos Lovi Poe and Jennylyn pa yun.” First time na makakatrabaho ni Mark si Jennylyn sa isang soap. Matatandaan na nagbigay ng pahayag si Mark dati na kabilang si Jennylyn at Lovi sa mga gustong makapareha ng aktor. Ano kaya ang masasabi niya ng pinagbigyan siya ng network sa kanyang kahilingan? “Kay Jennylyn, ever since her StarStruck days I’ve been watching her. Isa ako sa mga fans ni Jennylyn. Honored ako at happy ako na kung baga yung taong magaling sa paningin mo, nandoon na ngayon sa harap mo na,” says Mark. “Si Lovi, nakakatuwa. Talaga ako, pag sinabing Lovi Poe ready na ako agad!” ang pabirong sabi ni Mark. This will be their second project together after ng kanilang episode sa LoveBug. “We meet each other [sa LoveBug] and sa tingin ko we started off on the right foot. So somehow I guess I can call her good acquaintance or somehow a new friend.” Kaya naman walang pagsidlan ng excitement ang aktor dahil dream come true ang Little Star sa kanya. “Gusto kong anyayahan ang mga Kapuso viewers, dahil noong mga last few months hindi tayo nagkasama masyado, hindi ninyo ako napanood. I really want them to see our new project, if not I’ll knock on their door,” ang pabirong pagtatapos niya. Little Star is scheduled to replace Trudis Liit sa Dramarama sa Hapon block ng GMA. Pag-usapan ang pagbabalik ni Mark sa drama sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!