Showbiz News

Lolit Solis, sinabing deserving si Rhian Ramos ng taong magmamahal sa kanya

By Aedrianne Acar

Nagbahagi ng saloobin niya ang former Startalk host na si Manay Lolit Solis nang pumutok ang balitang hiwalay na ang Kapuso star na si Rhian Ramos at Israeli boyfriend nitong si Amit Borsok.

Last week, nag-trend pa sa Twitter ang #WeLoveYouRhian nang kumpirmahin sa isang vlog na break na siya with Amit.

Sa Instagram post naman ng veteran entertainment columnist kahapon, September 28, naniniwala ito na makakakita ang aktres ng taong mamahalin in the future.

Photo taken from Rhian Ramos's Instagram account

Paliwanag ni Lolit, “Sa ganda, bait at talino ni Rhian Ramos madali lang makakita ng bagong mamahalin. Konting pahinga lang ng puso, konting balik sa mga dating ginagawa at hintayin lang ang muling pagtibok ng pag ibig sa buhay niya.

“Very loving kasi si Rhian kaya siguro lagi na ay gusto niya na may katabi siyang mamahalin, but this time, siguro stronger na siya at sa paghanap niya ng the perfect one for her, iyon ng pang forever.”

Dagdag pa niya na sobrang deserving si Rhian Ramos ng isang mabuting partner.

“Deserving of a good man to love dahil mabait na tao, kaya imposible na hindi niya matagpuan ang ideal guy for her.”

Malaki din daw tulong ang break up na ito sa primetime actress, dahil mas lalo itong magiging matatag.

Saad ng TV host-columnist, “Rhian Ramos, too intelligent and good para masaktan ng matagal sa isang break up. GMA 7 should give her more works, isang mahusay na artista, host, kaya dapat hindi mabakante, lalo pa nga at eversince, talent na siya ng network.

“We will be seeing a stronger Rhian Ramos this time. Break up will never break her down, promise. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

Nalalapit na din mag-balik taping si Rhian Ramos para sa primetime series niya na Love of My Life.

Sa panayam ng 24 Oras sa co-star niya na si Carla Abellana, ibinahagi nito ang paghahanda niya sa kanilang lock-in taping.

“Kukulangin ata 'yung tatlo o apat na luggage. Sa box naman, 'yung mga kagamitan pa lang mismo, 'yung supplies pa lang, parang nakakaapat na ata ako na medyo malalaki.”

“Kasi nga lock-in kami, bawal lumabas, bawal din na pumunta rin ang kahit sino.”

Lolit Solis, masaya para kay Andi Eigenmann

Lolit Solis naniniwalang may forever sa 'Eat Bulaga'