Showbiz News

Tween stars, masayang makatrabaho si Direk Gina

Joyce, Louise, Derek and Kristoffer talk about ‘Tween Hearts’ and what it’s like working with Direk Gina Alajar. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. Patok na patok sa mga kabataan ngayon ang Reel Love presents Tween Hearts, and at the center of it all is the group of tweens and teens that are quickly rising to fame. Kamusta naman kaya ang kanilang experience so far? “Masaya kasi nasa iisang tent kami tapos yung mga parents namin, wala, so bonding kami,” says Kristoffer Martin. Ganoon din ang kuwento ni Derek Monasterio. “Masaya po kasi si Direk Gina [Alajar] ang direktor, tapos masaya din po kasi kapag nagbo-bonding po kami sa tent, nagkakasabihan kami ng sikreto. Pero secret na po yun.” Speaking of Direk Gina, ano kaya ang pakiramdam nila na to be mentored by a highly-acclaimed actress and director? “Super saya kasi sobrang professional po talaga ni Direk gina, kaya pagdating sa set sobra nang serious na lahat,” says Joyce Ching. Isinabak naman agad ni Direk Gina ang mga tweens sa matindihang pag-arte simula pa lang day one, and Louise delos Reyes shares her story. “Sobrang kakaiba yung experience ko kasi first day of taping pa lang, meron nang sabunutan agad. E super friend ko siya,” kuwento niya, referring to a scene she shared with fellow tween Lexi Fernandez. “Tapos nakakatuwang katrabaho si Ms. Gina, talagang matutunan mo yung character mo.” Ayon pa sa mga tweens, pinagdadaanan din naman ng mga tweens at teens sa tunay na buhay ang mga nagaganap sa kanilang show, kaya hindi mahirap maka-relate dito. “Sure po ako na-experience ko na yun. Kasi yung pag nagkakaroon ng parang ‘Ay, love ko na’ pero ayaw mo ng commitment,” shares Louise. “Kasi po, usually, sa tweens, naco-confuse talaga sila kung ano na yun, kung love or crush, lalo na kapag yung mga tao sa paligid nila, sinasabi, ‘Ay, love na ‘yan.’” “Sigurado po kaming makaka-relate kayo dito kasi may iba-ibang istorya ang bawat teens, bawat tweens, na sigurado kami na makaka-relate kayo,” says Kristoffer. Patuloy na panoorin ang Reel Love presents Tween Hearts every Sunday after Party Pilipinas on GMA. Pag-usapan ang mga tweens sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!