Showbiz News

Kokoy de Santos at Elijah Canlas, tinanggap ang 'Gameboys' dahil sa isa't isa

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ng mga bida ng online boys love series na Gameboys na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas na tinaggap nila ang proyekto dahil sa isa't isa.

Kokoy de Santos at Elijah Canlas bilang Gavreel at Cairo sa 'Gameboys.' / Source: theideafirstcompany (IG)

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Elijah na hindi sinabi sa kanila kaagad na boys love (BL) ang kanilang gagawing series.

Kuwento ni Elijah, “Ako game na game lang ako.”

“Tinext kami na gagawa raw kami ng series, nung una, gagawa lang ng series.

“Siyempre kami, one month into the pandemic, ako, sobrang na-excite lang ako na I'm gonna get to act again, I'm gonna get to tell stories again, and have a job again kaya game na game lang ako.

“Tapos nung sinabi pang BL 'yung gagawin at si Kokoy 'yung makakasama ko, mas game lang ako kasi I've worked with Kokoy before and I know him as an actor and as a person."

Bago ang Gameboys, nagkatrabaho na sina Kokoy at Elijah sa pelikulang Some Nights I Feel Like Walking na idinerehe ni Petersen Vargas.

“So game na game, no hesitations at all.”

Pareho naman ang naging reaksyon ni Kokoy dahil hindi niya lang muling makakatrabaho si Elijah, kung hindi magiging 'baby' niya pa ito.

Umiikot kasi ang istorya ng Gameboys kina Cairo (Elijah) at Gavreel (Kokoy) kung saan nagkaroon sila ng relasyon matapos maging magkalaban sa isang laro. Kinalaunan ay naging 'baby' ang tawagan nilang dalawa.

Pagsang-ayon ni Kokoy, “Totoo, totoo naman 'yun. Nung sinabi na sa amin na may gagawin kaming proyekto, kahit may pandemic, e, napakalaking bagay sa amin non bilang aktor.”

“So game agad tapos BL pa kasi kumbaga, bago 'to, e. Hindi lang dahil hyped siya or anything, talagang bago 'to sa akin na parang 'Bakit hindi natin subukan?'

“Tapos ang makakasama ko pa ay itong si Jelo, magiging baby ko pa, game!”

Inamin rin nina Kokoy at Elijah na hindi nila inaasahang papatok sa mga manonood ang kanilang series, lalong-lalo na at ang daming boys love series na nauso ngayong quarantine.

Sa katunayan, may mga nanonood ng Gameboys na taga-United States, Europe, at Latin America.

“Wala, nothing at all,” pag-amin ni Elijah.

“Initially kasi 'di ba we just wanted to provide jobs for all of us, 'yung mga boss namin.

“Initially nga, ako as an actor, I love to take on challenges, and take on stories like this but I didn't know that it was gonna be this impactful with the audience.

“Even for myself, sobrang dami kong natutunan throughout the whole process because of the story and because of the reception.

“Kaya to be honest, hindi talaga namin in-expect.”

Dagdag ni Kokoy, hindi niya inaasahan na makakagawa sila ng magandang series sa loob ng kani-kanilang mga bahay.

Aniya, “Hindi talaga. Kasi eksperimento lang talaga 'to.”

“Kasi bago pa magka-pandemic, never naman pumasok sa isip natin na mag-shoot from home na wala tayong kasamang staff, 'di ba?

“So nung sinabi sa amin 'yun, at some point, parang mapapaisip ako na challenging siya pero nakakatakot din kasi ikaw magse-set-up ng camera mo, nasa Zoom lang lahat ng kasama mo.

“So, medyo nakakakaba nung una kung paano ba mag-wo-work 'yung proseso talaga. Pero 'yun nga, sabi nga palagi, magtiwala lang sa proseso.

“Hindi namin talaga in-expect kahit nga local parang, 'Paano kaya natatanggap na ganito lang? Kakapitan ba tayo ng through video call lang?'

“Wala, e. Maganda talaga 'yung script tsaka 'yung pagkaka-direct niya.”

Ang The IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan ang producer ng Gameboys. Si Ivan Andrew Payawal naman ang direktor at si Ash Malalum ang nagsulat.

Panoorin ang first episode ng Gameboys na mayroong mahigit 1.5 million views:

LIST: Boys Love-themed series worth watching.