What's Hot

Adrianna So, inamin na on- and off-cam ang closeness nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 2, 2020 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Canlas Adrianna So Kokoy de Santos


Alam n'yo ba na pati off-cam ay sweet pa rin ang mga bida ng 'Gameboys' na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas?

Saksi ang co-star nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas na si Adrianna So sa closeness ng dalawa kahit tapos na sila mag-shoot para sa online boys love (BL) series na Gameboys.

Magkarelasyon kasi sa Gameboys ang mga karakter nina Kokoy and Elijah na sina Gavreel at Cairo at kuwento ni Adrianna, nadadala ng dalawa ang kanilang sweetness off-cam.

“Oo!” sagot ni Adrianna nang natungin ng GMANetwork.com kung kinikilig rin ba siya sa EliKoy.

“Kasi kahit off-cam, ganun sila! Minsan niloloko na namin sila na, 'Hoy ano ba, wala ng fans dito. Tumigil nga kayo.'

“Kasi sige pa rin sila, parang naging natural na lang sa kanila, may chemistry kasi 'yung dalawa talaga. Off-cam, mararamdaman mo.”

Paglalarawan ni Adrianna, si Kokoy ang laging nagpapatawa sa set samantalang si Elijah naman ang laging nangungumusta.

“Si Kokoy 'yung pinaka-funny sa group namin, actually,” saad ni Adrianna.

“Siya 'yung kapag medyo antok na kami, magjo-joke siya. Medyo same kasi 'yung personality ni Gav tsaka ni Kokoy.

“Si Elijah naman, siya 'yung sensitive sa amin. Tahimik lang siya, mabait.

"Pero at the same time, for example, nagse-set up kami tapos may nabagsak na lamp or something nabasag, so mada-down ka na agad.

“Tapos si Elijah 'yung magsasalita na, 'Uy, okay ka lang?' Siya 'yung magche-check sa amin.”

Karamihan ng episodes ng Gameboys ay sa bahay lang kinunan dahil sa community quarantine restrictions kaya nung nagkita-kita sila para i-shoot ang Episode 10, parang 'blind date' umano ang nangyari.

Ito ang taping day ng 'Gameboys' kung saan unang beses magkita-kita nina (from left) Kyle Velino, Elijah Canlas, Adrianna So, at Kokoy de Santos. / Source: adriannaso_ (IG)

“Noong sino-shoot namin 'yung Episode 10, 'yung first time na nagkita-kita kami, medyo nakakapanibago kasi nga virtually lang namin nakikita 'yung isa't isa,” kuwento ni Adrianna.

“Pero at the same time, excited. Alam mo 'yung parang a-attend ka ng blind date? Ganun 'yung feeling na parang kinakabahan ka, hindi mo alam kung ano gagawin mo.

“Pero pagbaba mo, parang, warm, tapos maya-maya, 'Oh my God, ganito pala siya katangkad.'

“I mean, nakikita ko naman sila [before] pero ang tagal mo pala silang hindi nakita, parang maysomething new.”

Bukod sa Gameboys, magkakaroon din ng online girls love (GL) series si Adrianna na may pamagat na Pearl Next Door.

Spin-off series ng 'Gameboys' na 'Pearl Next Door,' magsisimula na ngayong October

Adrianna So, inaming nahirapan sa 'Gameboys'