Showbiz News

Winwyn Marquez responds to netizen who said women shouldn't have muscular bodies

By Cara Emmeline Garcia

Kinlaro muli ni Winwyn Marquez na masaya siya sa kanyang pangangatawan kahit na malayo ito sa kanyang beauty queen figure noon.

Sa isang Instagram post, ipinakita ng Kapuso beauty queen ang kanyang bagong figure at malakas na pangangatawan.

Marami man ang pumuri sa kanyang litrato, mayroon din ilan na pumuna na tila nagmumukhang lalaki na raw ang katawan nito kaka-exercise.

“Ayan na! Lumabas na ang word na feminine,” bitiw ni Winwyn sa comments section.

“We are happy, fit, and healthy. I love how I look now.

“If you have a problem with me looking like a man because of my muscles then hit that unfollow button and follow people that fit your standards para bawas problem sa life mo.”

Matagal nang sinagot ng former Reina Hispanoamericana ang ilang comments patungkol sa kanyang bagong pangangatawan.

Noon, isinaad niya na hindi lamang ang mga salitang “fat” at “thin” ang puwedeng gamitin para ilarawan ang isang tao.

“Try adding 'fit,' strong,' and 'healthy to your vocabulary,'” aniya.

“I don't need to adjust [to your standards] dahil mas gusto mo 'yung katawan ko dati. Stay safe and healthy. Mag-workout ka rin regularly.”