Showbiz News

Maxene on Saab: 'Kaming dalawa kontrabida kami ng isa't isa, pero best friends rin kami'

Maxene Magalona has been in show business for years. Now that her younger sister Saab Magalona has her own soap opera, she is excited for her sibling's career. Text by Ayessa De La Pena. Photos courtesy of GMA Network. Masaya at excited si Maxene Magalona nang amin siyang tanungin tungkol sa pagpasok ng nakababatang kapatid niyang si Saab sa showbiz. Kasama kasi si Saab sa bagong afternoon drama series na Koreana. “Gina-guide namin siya, kami noong makeup artist ko, iyong ibang tao din doon sa set,” pagkukuwento ng dalaga, “Kasi iyong kasama niya ngayong production, nakakasama ko na dati kaya lagi ko silang sinasabihang, ‘Alagaan ninyo si Saab.’ Sila naman, ‘Oo naman.’ Si Saab it’s her first, kasi nakapag-taping na rin siya before sa ibang station, and then it’s her first dito sa GMA kaya excited ako for her.” Nakilala si Saab dahil sa kanyang acting stint sa isang teen series sa ibang estasyon at ngayon ay nandito na rin ito sa GMA kasama ng iba niyang mga kapatid. Bukod sa first series ito ng nakababatang kapatid sa GMA, nae-excite rin si Maxene dahil ito ang first kontrabida role ni Saab. “Actually nakita ko na rin siyang kontrabida sa totoong buhay,” natatawang kuwento ni Maxx, “Kaming dalawa kontrabida kami ng isa’t isa, pero bestfriends rin kami.” Dagdag pa niya, “I know what she’s capable of doing and kung ano talaga iyong talent niya kaya it’s good. Ako kasi never pa akong naging kontrabida. Never pa akong nakakapag-play ng kontrabida role kaya para sa kanya iyong gagampanan niyang role is masama naman. It’s good to see na may variety kami.” Lalo pang natuwa si Maxx nang aming sabihin sa kanyang nasabi ng kapatid niya sa isang interview na gusto niyang magkaroon ng reality show silang magkakapatid. “Gusto ko iyon, kasi magulo iyong pamilya namin!” natutuwang sagot ng dalaga, “Magulo, masaya, lahat kami makulit. Kaya masaya din na to be able to show the world, the world talaga, iyong manonood kung paano kami at home and as a family. Kasi people think na [dahil] showbiz kami, hindi kami totoong tao. Pero sa totoo lang, we’re very, very real and we’re a family na talgang sobrang close sa isa’t isa. Sana if ever, magandang hit iyon. Kami iyong type ng family na what you see is what you get. Talagang real kaya bagay kami sa isang reality show!” Maxene also left a message for her younger sister now that she’s joining showbiz: “I’m very, very proud of her and I wish her all the best. Sana kayanin niya kasi unang sabak pa lang niya ito sa puyatan, sa long hours on the job sana kayanin niya. I’m sure kakayanin niya. I know kung gaano siya ka-talented kaya I’m excited na rin for the people to see kung ano iyong kaya niyang gawin ang kung ano iyong kaya niyang i-offer sa TV. Kaya go, go, go. Proud ako sa kanya.” Pag-usapan sina Maxene at Saab sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here. Get more updates from Maxene through her Fanatxt service. Just type MAXENE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) MAXENE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.