TV

Fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, na-excite sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino

Na-excite ang fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda nang i-reveal na sila ang bibida sa bagong Kapuso show na The Lost Recipe.

Ayon sa post, sina Mikee at Kelvin ang gaganap na bida sa isang fantasy-romance series na ipapalabas soon on GMA News TV.

Makikita sa comments sa Facebook ang suporta ng fans sa kanilang bagong proyekto.

Ayon kay Kryzzy Milan, "Congrats Kelvin, I'm so proud of you"

Saad naman ni Rhea Magbanua, "Congratulations Mikee!"

May mga nag-post din na bagay sina Mikee at Kelvin at mayroon ding nagsabing excited silang mapanood ang dalawa sa The Lost Recipe.

Ayon sa comment ni Glorietta Gerio, "Super bagay at least may bago tayong aabangan"

Abangan ang tambalan nina Mikee at Kelvin sa The Lost Recipe soon!

Mikee Quintos sings Tori Kelly's "Funny"

LOOK: Meet Kelvin Miranda, the young Kapuso actor that we fell in love with on 'Dead Kids'