Showbiz News

Lolit Solis on Sharon's retirement: 'retiring will be [a] good move for her'

By Aedrianne Acar

"Ready for new beginnings."

Ito ang mensahe na ipinahiwatig ng seasoned actress, host, at singer na si Sharon Cuneta nang mag-post ito sa Instagram noong October 10, kung saan nagpahiwatig ito na nalalapit na ang pagre-retiro niya sa showbiz.

Isa sa mga nag-react sa big news na ito ng Megastar, ang former Startalk host na si Manay Lolit Solis.

Ang veteran entertainment columnist ang dating manager ng matinee idol na si Gabby Concepcion, na dating asawa naman ni Sharon.

Photo taken from Sharon Cuneta's Instagram account

Sa Instagram post ni Manay Lolit, sinabi nito na maaring nakita ni Sharon na hindi maganda ang lagay ng showbiz industry, lalo na may kinakaharap tayong pandemya.

Saad niya, “Balita na naman na gusto ng mag retire ni Sharon Cuneta, Salve. Ilang beses na niyang binalak na iwan muna ang showbiz pero hindi natutuloy.

“Baka ngayon na nakita niya ang di magandang kalagayan ng industriya nag decide na naman siya na mag retire.”

Sinabi din ng former showbiz talk show host na “good move” ang plano na pagre-retiro ni Megastar.

“Sabagay, sa dami ng achievement na nagawa ni Sharon sa showbiz her retiring will be [a] good move for her, dahil kahit wala na siya she will always be remembered.

"Mas maganda na nga siguro na siya ang umalis while still strong sa memory ng mga mahilig sa showbiz, at talagang masasabi mong nasa top of the line pa.”

Dagdag pa ni Lolit na walang ng dapat patunayan si Sharon Cuneta na tinawag pa niya na isang “icon.”

Bukod sa pagiging financially secured, makakabuti din ma-enjoy ng award-winning TV-movie actress ang buhay niya away from the limelight.

“Siguro nga ay naging malaking disappointment sa kanya iyon hindi pagka tuloy ng mga naka plano niyang concerts dahil nga sa pandemic.

“At hindi rin naman maganda gumawa ngayon ng movies dahil sa kalagayan ng mga movie houses. Perfect time for retiring kung kagaya ni Sharon Cuneta ay financially secured at may asawa pang Senador Kiko Pangilinan.

“Sharon is an icon na habang buhay mo ng matatandaan , iyon music niya will always be there, iyon mga movies niya. Mas maganda na nga siguro na maging simple housewife siya, at hintayin ang magiging mga bagong buhay ng mga anak niyang babae in the future.

“Enjoy her life now, away from the limelight.”

Matatandaan na ikinasal ang dating magka-loveteam na sina Sharon at Gabby taong 1984, ngunit na-annul ang kanilang kasal noong 1987.

May isa silang anak na si KC Concepcion na isinilang ni Megastar noong April 7, 1985.

Related content:

Sharon Cuneta mourns death of her "anak-anakan," Filipino vlogger Lloyd Cadena

EXCLUSIVE: Frankie Pangilinan, kay Sharon Cuneta o kay Francis Pangilinan nagmana?