Showbiz News

Ilang award-winning na mga pelikula ng GMA, kabilang sa 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino

By Aaron Brennt Eusebio

Ilang pelikula ng GMA ang muling mapapanood sa online edition ng 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino mula October 31 hanggang December 13.

Pitong pelikula ng GMA ang muling mapapanood sa darating na 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino mula October 31 hanggang December 13.

Muling ipapalabas ang dalawa sa ipinadalang entry ng Pilipinas sa Academy Awards na Sa Pusod ng Dagat (1998) ni Marilou Diaz-Abaya, at Saranggola (1999) ni Gil Portes, na parehong gawa ng GMA Pictures.

Ang 'Sa Pusod ng Dagat' at 'Saranggola' ang opisyal na entry ng Pilipinas sa Oscars sa United States bilang Best Foreign Language Film. / Source: imdb.com

Kasali rin ang dalawa pang pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na Jose Rizal (1998) at Muro Ami (1999).

Mababalikan ang ilan sa classic films ni Marilou Diaz-Abaya na 'Jose Rizal' at 'Muro Ami' na parehong gawa ng GMA Pictures. / Source: imdb.com

Upang bigyang pagkilala ang aktor na si Eddie Garcia, muling ipapalabas ang Deathrow (2000) na kanyang pinagbidahan at idinerehe ni Joel Lamangan.

Parte naman ng romance genre ng ika-apat na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang 2006 movie na Moments of Love na pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Iza Calzado, at Karylle.

Pwede n'yo na ring mapanood ang 'labor of love' ng Kapuso comedy genius Michael V. na Family History (2019), na pinagbidahan niya kasama si Dawn Zulueta.

Si Bitoy rin ang nag-direct at nagsulat ng Family History.

Mapapanood rin sa 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino ang 'Deathrow,' 'Moments of Love,' at 'Family History.' / Source: imdb.com

Upang mapanood ang ilang pelikulang Pilipino na kalahok sa 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino, pumunta lamang sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na FDCPchannel.ph o sa kanilang Facebook account.

Internationally acclaimed Filipino films featured at Pista ng Pelikulang Pilipino 2020