
Tuwang-tuwa ang mga tagahanga ni Sanya Lopez nang opisyal na ianunsiyo ang pagiging lead actress niya sa upcoming romantic-comedy series na First Yaya kagabi, October 12.
Para sa fans ng Kapuso actress, deserving siya para sa naturang role.
"Versatile actress. No doubt about that," sabi ng isa sa mga grupo ng fans ni Sanya.
Versatile actress. No doubt about that.
-- 𝐒𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐓𝐫𝐞𝐧𝐝𝐬𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 (@SanyaTrendsOfc) October 12, 2020
Dream higher Ms. @sanya_lopez ! We, your fans are just here to support the things that you love to do.
Photos: credit to the right owner #SanyaLopezFirstYaya #FirstYaya pic.twitter.com/M4KB6gwyls
Matagal na daw hinihintay ni @dadock na mabigyan ng isang rom-com project ang kanyang iniidolong artista. Aniya, "[I'm] honestly hoping that @sanya_lopez will be given a romcom series on @gmanetwork ! And now here it is! She is now our #FirstYaya ! Congrats!"
I honestly hoping that @sanya_lopez will be given a romcom series on @gmanetwork ! And now here it is! She is now our #FirstYaya ! Congrats!
-- Jenrick Kaharian (@dadoock) October 12, 2020
Sa kabilang banda, excited na raw na makita ang aktres bilang si Yaya Melody.
Looking foward to watching @sanya_lopez as Yaya Melody #FirstYaya https://t.co/4lOrjWrioT
-- Sanya Lopez International (@SanyaGlobal) October 12, 2020
Congrats, my love. Deserve na deserve mo yan at alam kong mamagagampanan mo yan ng buong husay. #SanyaLopezFirstYaya #FirstYaya https://t.co/o4W5Xr2GkK
-- 𝐸 (@SeafoamLove) October 12, 2020
excited na ulet ako mapanuod sya sa TV araw araw.. 🥰😍 #Sanyalovers #FirstYaya pic.twitter.com/cUrnHk0sqo
-- jannette bricenio (@jannettebricen3) October 13, 2020
Marami pang fans ang nagbigay ng kanilang congratulatory messages para kay Sanya gamit ang mga hashtag na #SanyaLopezFirstYaya at #FirstYaya.
Samantala, sa pamamagitan ng isang Twitter post, nagpasalamat si Sanya sa pagbibigay ng proyektong First Yaya.
Aniya, "Maraming Salamat po sa malaking tiwala!"
Maraming Salamat po sa malaking tiwala! 🙏🏻#FirstYaya https://t.co/vUhwvVMkz5
-- Sanya Lopez (@sanya_lopez) October 12, 2020
Congratulations sa bagong First Yaya @sanya_lopez #SanyaFirstYaya
-- SANYA WARRIORS ♡ (@SanyaWarriors) October 12, 2020
Thank you so much sa lahat ng nag tweet at sa mga nag mamahal kay Sanya. As of 10pm 4,610 tweets pic.twitter.com/ZIddPlQKTF
Sa panayam ni Lhar Santiago para sa "Chika MInute" ng 24 Oras, sinabi ni Sanya tungkol sa bagong proyekto, "Siyempre po kabado and excited dahil alam ko na malaki 'yung ine-expect nila sa akin bilang inyong First Yaya.
“First time ko po kasi na binigyan po ako ng show sa primetime na ako po 'yung title role kaya naman talagang maraming-maraming salamat po nang sobra-sobra sa GMA po.”