GMA Logo Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, excited na sa matitinding action scenes sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published October 16, 2020 2:29 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ, may nakitang basehan para kasuhan si Atong Ang, at iba pa kaugnay sa nawawalang mga sabungero
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Gaganap si Shaira Diaz bilang isang trained assassin sa upcoming action adventure series na 'Lolong.'

Dream come true para kay Kapuso actress Shaira Diaz na mapabilang sa isang action series.

Shaira Diaz


Kaya naman naging emosyonal siya nang mapili bilang leading lady sa upcoming action adventure series na Lolong.

"Ito rin 'yung pinkamalaking action adeventure na gagawin ng GMA kaya sobrang nakaka-excite talaga siya," pahayag ni Shaira sa isang panayam ng GMANetwork.com.

Gaganap dito si Shaira bilang ang trained assassin na si Ria na tutulong kay Lolong na gaganapan naman ni Ruru Madrid.

Bahagi din ng kuwento ang isang malaking buwaya na magiging kaibigan ni Lolong.

Sa unang paglabas pa lang ng karakter ni Shaira sa show, hitik na agad ng ito ng action scenes.

"'Yung intro ng character ko is manggagaling talaga sa helicopter kasi nakipaglaban ako. Habang bumabagsak ako sa ere, nakikipaglaban ako sa kalaban," kuwento ni Shaira.

Bukod dito, looking forward din siya sa iba pang maaaksiyong eksena ng serye.

Marami daw kasing nabanggit ang direktor nitong si Rommel Penesa sa mga dapat paghandaan ni Shaira tulad ng pagtalon mula sa isang building at underwater fight scene.

"Doon pa lang, nagulat ako. Wala pa kong nakikita na show sa GMA na gumagawa ng mga ganoon. This would be the first. Wow, gagalingan ko talaga 'to. Kakaririn ko talaga 'to," aniya.

Naghahanda na si Shaira para sa kanyang role sa pamamagitan ng panood ng ilang female-led action movies.

"Actually kagabi lang, nanood na 'ko ng mga action movies, more on 'yung mga behind the scenes na mga action na gusto ko talagang i-peg dito sa 'Lolong.' Gusto ko 'yung 'The Old Guard.' 'Yun 'yung isa kong pine-peg talaga," bahagi niya.

Ang The Old Guard ay isang Netflix original action film na base sa isang graphic novel. Tungkol ito sa isang grupo ng mga imortal na babaeng mandirigma.

"'Yun 'yung priority ko na pine-peg ko kasi kakaiba 'yung galawan nila doon eh. Ang daming inaaral ni Charlize Theron doon. Madami siyang tinrain na iba't ibang klase ng martial arts," pahayag ni Shaira.

Isa rin ang 2008 action thriller film na Wanted, na pinagbidahan ni Angelina Jolie sa mga gagawing inspirasyon ni Shaira para sa role.

Samantala, sa Disyembre ngayong taon nakatakdang magsimula ang taping para sa Lolong.