Showbiz News

What's Next for Pacman?

Matapos ang kanyang sunud-sunod na tagumpay sa larangan ng boxing, there’s no doubt that Manny Pacquiao is already a legend sa larangan ng sports. Kasama ang buong Pilipinas, ipinagdiwang ng Kapuso Network ang kanyang recent victory. Pero meron pa kayang nais makamit si Pacman? Viewers were kept at the edge of their seats sa laban ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao versus Antonio Margarito nitong nakaraang buwan, at nagdiwang ang buong bansa nang manalo si Pacman sa 12 round-match. Kasama sa nakisaya at nag-celebrate ang GMA Network na naglaan ng isang weekend para lamang sa Kapusong si Manny. Simula sa kanyang pagdating Sabado ng umaga, sari-saring balita and up-to-the-minute flash reports ang inihatid ng GMA. Bumisita din siya sa Startalk TX. Kasunod nito ang isang grand homecoming concert sa SM Mall of Asia na pinamagatang “King of the Ring” kung saan ang ating Kapuso stars paid tribute to Pacman through various production numbers and surprises. Pagdating ng Linggo, ipinalabas naman sa GMA 7 ang Anak ng Kumander,” na kanyang pinagbidahan at produced under his film outfit, MP Promotions. Tuloy ang celebration sa Party Pilipinas with the theme “Fearless.” Hindi lang isa, kundi tatlong kanta ang kanyang inihandog para sa kanyang mga fans at sa mga tagasubaybay ng show. Nagkaroon din ng exclusive interview ang Showbiz Central with Pacman that afternoon. Bukod sa kanyang live his appearance sa iba’t ibang Kapuso shows, isang Thanksgiving lunch ang inihanda ng GMA 7 para kay Pacman. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng top GMA executives sa pangunguna nina GMA Network Chairman, President and CEO Atty. Felipe L. Gozon, at GMA Network COO Gilberto Duavit, Jr.; Kapuso artists kabilang sina Dingdong Dantes, Iza Calzado at Aljur Abrenica; advertisers; members of media at ng Team Pacquiao. Naroon din para magbigay ng suporta ang pamilya ni Pacquiao—ang maybahay niyang si Jinkee, at mga anak na sina Jemuel, Michael, Princess, at Queen Elizabeth. In his speech during the celebratory lunch, Atty. Gozon noted Pacquiao’s remarkable success. “Talaga palang wala pang nakakagawa ng nagawa ng ating Pambansang Kamao na maging champion sa eight different divisions. Ang pinakamarami na pala ay si Oscar Dela Hoya lang na six, so lamang na tayo ng dalawa. Ewan ko kung merong susunod pa, pero sa ngayon pa lang, I doubt that kind of achievement can be repeated by anyone.” Aside from bringing our country much the pride, Pacquiao has given us a lot more. “Mas malaki ang dapat na pasasalamat natin dahil sa kanyang pagbabahagi ng aral bilang isang tunay na kampeon, at iyon ay ipinapaalala niya pirmi na ang kanyang tagumpay ay galing sa ating Panginoon...Nagpapasalamat din tayo kay Manny for just being what he is,” Atty. Gozon continued. “Beyond his famous speed, power punches and classic moves, ano kaya ang talagang naging dahilan kung bakit tunay na kampeon si Manny Pacquiao? Para sa akin, dahil siya ay may pusong kampeon. Ginagawa niya ang mga bagay nang hindi lamang dahil sa kanyang sarili but also for others—for his family, for his friends, for the country in general, but most importantly, for the greater glory of God… “Even without meaning to, Manny has taught us the values of humility amid the fame and glory; continued hard work in the midst of greatness; intelligence and fortitude in the place of trials; and of course, the genuine desire to make a difference and to serve our country. Mabuhay ka Manny, you make us proud to be Pinoy, but dito sa ating Network, you make us even prouder to be a Kapuso,” he stressed. Bahagi rin ng pasasalamat kay Pacquiao, he was given by Atty. Gozon a copy of the coffee-table book titled Kapuso: The GMA Story. Launched in August, it gives readers a look at the Network’s 60-year history. Pacman’s Next Step Ano naman ang masasabi ni Pacquiao sa special event na inihanda para lamang sa kanya? “Maraming salamat sa GMA sa welcome party at talagang welcome na welcome ako.” At syempre, kanyang idiniin na ang kanyang tagumpay ay hindi lamang para sa kanya. “Ang karangalan ko, hindi ko iniisip ‘yon. Ang karangalan kong laging nakamit ay karangalan nating lahat na Pilipino…Kaya lagi akong nagpapasalamat sa Panginoon sa ibinigay Niyang biyaya, sa ibinigay Niyang karangalan sa akin at lakas ng katawan, higit sa lahat, sa araw-araw.” In his speech, the boxing champ also expressed gratitude for all the support that the Kapuso Network has given him—inside and outside the ring. “Sana lagi n’yo po akong suportahan sa darating ko pang hinahangad ko sa buhay mapa-boxing man, or mapa-sitcom, like Show Me Da Manny (laughs)… Sa lahat ng sumuporta sa Show Me Da Manny, maraming salamat…Ako’y nagpapasalamat sa inyo sa lahat ng suporta sa aking laban…Kung wala ang GMA lagi sa likod ako eh hindi naman ako lakas ng loob dito sa entablado. Kasi ang alam ko, GMA 7 walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, pantay-pantay tayong lahat.” Does this mean he has plans to pursue a higher elective post? “Hindi natin alam. May posibilidad pero sa ngayon wala pa sa isip ko ‘yan at naka-focus ako kung anong posisyon ako meron ngayon—bilang Congressman na makapag-deliver ng magandang serbisyo sa mga tao,” ang sagot niya in an interview with the press. Idinagdag niya na kasalukuyan siyang nag-aaral ng Business Management. After this, he said he plans to take up Law. Paano naman ang kanyang recording career? “Gusto ko lang kumanta… Busy ako. Babalik ako sa trabaho [sa Congress]. May trabaho ako.” Sa pagtatapos ng interview, heto ang message ni Pacman sa kanyang mga taga-suporta: Sa mga lahat ng mga fans, sa mga Kapuso, maraming salamat po sa inyong lahat, lahat ng mga tao na sumuporta at nagdarasal palagi. Sana huwag kayo magsawa at huwag po nating kalimutan magdasal sa Panginoon at magpasalamat.” -- Text by Leda Beltran; Photos by Connie Tungul For more on Pacquiao’s homecoming, check out these features: Gallery: Manny Pacquiao's Homecoming Party 2010 Video: Chika Minute: Manny Pacquiao naki-jamming sa Party Pilipinas