
Nag-viral kamakailan ang 'Napagkamalang Aswang' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' sa Facebook. Umani ito ng 8.8 million views sa loob lamang ng dalawang araw.
Si Rita Avila bilang Imelda sa 'Napagkamalang Aswang' episode ng bagong 'Wish Ko Lang'. / Source: @WishKoLangGMA (FB)
Ang nasabing episode ay tungkol sa isang babaeng may sakit sa pag-iisip at napagkamalang aswang ng kanilang mga kapitbahay.
Si Rita Avila ang gumanap bilang Imelda, ang babaeng napagkamalang aswang. Kasama rin niyang gumanap sa episode sina Mon Confiado, Michael Flores, Arny Ross, Vance Larena at Crystal Paras.
Naghandog naman ng mga regalo ang bagong 'Wish Ko Lang' team sa mga naulilang anak ni Imelda upang makapagsimula silang muli matapos ang matinding pagsubok na kanilang pinagdaanan.
Ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales /Source: @WishKoLangGMA (FB)
Dahil sa umiiral na community quarantine, minabuti ng programa na ipadala na lamang sa magkapatid sa Davao ang kanilang mga regalo.
Sa darating na Sabado, isa na namang nakaaantig na kuwento ang tampok sa bagong 'Wish Ko Lang,' at pinamagatan itong 'Malas-Swerte.'
Ito'y tungkol sa mag-asawang Nora at Rex na suswertehin nang husto nang manalo ng jackpot prize sa Lotto.
Ngunit matapos nang kanilang swerte ay tila sunud-sunod na kamalasan naman ang dumating sa kanilang buhay.
Sina Katrina Halili at Dominic Rocco ang gaganap bilang Nora at Rex, habang si Divine ang gaganap bilang Beverly, best friend ni Nora (Katrina), at si Miggs Cuaderno naman bilang Loiue, ang anak ng mag-asawa.
Huwag palampasin ang 'Malas-Swerte' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.
RELATED:
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!
Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers