Showbiz News

Love story ng isang gay at isang lesbian, muling mapapanood sa 'Wagas' ngayong October 25

By Aaron Brennt Eusebio

Sa mata ng iba, maituturing na “odd couple” sina Monica Jarlego na isang tomboy at Roger Ancero na isang cross-dressing gay.

Binigyang buhay ni Julia Clarete si Monica, na mas kilala bilang Chesco, samantalang si Marky Lopez naman si Roger, na mas kilala bilang Charee.

Masaya man sila sa kanilang relasyon, hindi pa rin ito nakaligtas sa mga mapanghusgang mata ng publiko.

Paano kaya napanatili nina Chesco at Charee ang kanilang relasyon na sinubok ng mga problema?

Balikan ang nakatatawa, nakatutuwa, at nakabibilib ng kakaibigang pag-iibig itinampok ng Wagas sa Linggo, October 25, pagkatapos ng All-Out Sundays.