Showbiz News

Kooperasyon at teamwork, mahalaga para kay Bianca Umali sa 'new normal'

By Marah Ruiz

Dalawang beses nang nakapag-tape sa ilalim ng "new normal" si Kapuso actress Bianca Umali.

Ang una ay sa isang upcoming episode ng Wish Ko Lang, habang ang pangalawa naman ay ang pagganap niya bilang ang para dance sport champion na si Lairca Nicdao sa bagong episode ng rea life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Aminado si Bianca na naninibago siya sa bagong paraan ng pagtatrabaho ngayon.

"I think the challenge is the whole concept of everything being new. Working in the new normal, sobrang hirap po. Honestly, it's super hard kasi bago lahat. Bago 'yung sistema. Bago 'yung mga patakaran. Everyone is adjusting," kuwento ng aktres sa Kapuso Brigade Zoomustahan noong October 23.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin daw siya sa pagbabalik niya sa trabaho.

"It's not easy pero based on my experience, I still had fun. Siyempre ako, na-miss ko magtrabaho. Na-miss ko umarte. Na-miss kong makakita ng mga tao at ang makasama ng production. I still enjoyed my time with them kahit na the whole day was very busy," pahayag niya.

Sa tingin daw ni Bianca, mahalaga ang kooperasyon ng lahat para maging safe at matagumpay ang mga taping at kahit anong trabaho ngayong panahon ng pandemya.

"Since it's the new normal we have limitations. Mayroon kaming time na hinahabol and very limited people [ang nagtatrabaho] so team work talaga. Everyone has to cooperate. But everything was fun and worth the effort naman po," aniya.

Samantala, kung gusto niyo rin makabonding ang inyong favorite Kapuso stars online, sumali na sa Kapuso Brigade! I-message lang ang Facebook, Twitter o Instagram account ng @kapusobrigade para malaman kung paano sumali.