Showbiz News

Nurse Stephanie takes care of Justin | 'My Love From Another Star' recap

By Cara Emmeline Garcia

Matapos siyang sagipin ni Justin (Nadech Kugimiya) sa pagkaka-kidnap, muling nakatanggap si Stephanie (Matt Peranee) ng pagbabanta nang makita niyang gulo-gulo ang kanyang apartment kaya naman inalok muli ni Justin ang kanyang tulong para matulog pansamantala ang aktres sa kanyang bahay.

Sumunod na araw, nagpatingin na sa doktor si Stephanie tungkol sa mga napapansin niya tungkol kay Justin. Aniya, hindi raw ito kapani-paniwala kaya naman nagtataka siya kung totoo ba ito o mga guni-guni lamang ng utak niya.

Ano kaya ang masasabi ng kanyang doktor?

Samantala, tuluyan nang nahulog si Justin kay Stephanie.

Sa loob ng 15 segundo, napaibig kaagad ng aktres ang kanyang alien-slash-professor kaya naman nagawan ng huli na halikan ito.

Nataranta naman si Stephanie ng biglang magkalagnat si Justin kaya naman inalagaan niya ito at nanatili sa kanyang tabi para bantayan ito.

Magtuloy-tuloy na kaya ang love story nila?

Patuloy na subaybayan ang love story nina Justin at Stephanie sa My Love From Another Star tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.