Showbiz News

Poll: Bagay ba kay Aljur Abrenica ang role na Machete?

Confirmed na gaganap na nga bilang Machete si Aljur Abrenica. Ano kaya ang tingin ng aming mga readers tungkol dito? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Very recently ay ibinalita na nga ang magiging next project ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica. Isang kilalang sexy role sa Philippine pop culture ang kanyang gagampanan sa telebisyon ngayong darating na taon – ang role ni Machete. Binigyan na si Aljur ng basbas ng original Machete, ang kanyang naging co-star sa Ilumina na si Cesar Montano, at kasalukuyang naghahanda si Aljur para sa magiging role niya na ito. “Siguro kaya ko na, hindi na ako teenager ngayon,” said Aljur sa kanyang interview sa Showbiz Central. “I think I’m mature enough para gawin ang mga bagay na ‘yon [love scenes]. Gagawin ko lahat ng aking makakaya para mapanagutan ang pagiging, ang mabigyan ng chance na maging si Machete.” Tinanong namin ang iGMA.tv readers last week: Bagay ba kay Aljur Abrenica ang role na Machete? Naging halo-halo ang reaksiyon ng mga readers. Out of the 2.413 voters who cast their votes, mahigit kalahati o 52% ang nagsabing bagay kay Aljur ang kanyang role. 27% naman ang nagsabi na hindi bagay sa kanya ang sexy role na ito. 14% ang naniniwalang puwede na itong gampanan ni Aljur, at 7% naman ang sumagot na dedma lang sila. Kitang-kita naman na majority ng aming mga readers ang tiyak na mag-aabang sa bagong role na ito ni Aljur for next year. Make sure to vote sa aming bagong poll! Just log on to www.igma.tv to vote! Pag-usapan si Aljur sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Aljur. Just text ALJUR (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) ALJUR (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.