Showbiz News

Gwen’s first kiss

First onscreen kiss ni Gwen Zamora si Vic Sotto para sa ‘Si Agimat at si Enteng Kabisote’. Kamusta naman kaya ang naging experience na ito for her? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Excited na nagkuwento Gwen Zamora tungkol sa kanyang kauna-unahang movie, ang pinakaaabangang ‘Si Agimat at Si Enteng Kabisote’. Marami ang nag-aabang sa kanyang magiging pagganap sa kilalang role na si Faye, ang asawa ni Enteng Kabisote. Of course, marami ang nag-aabang sa magiging chemistry nila ni Bossing Vic Sotto onscreen. Ano nga ba ang kanyang pakiramdam na siya ang naka-love team ni Vic para sa movie na ito? “It’s an honor, a blessing, and I’m very thankful,” sagot ni Gwen nitong nakaraang Linggo sa kanyang guesting kasama ng iba pa niyang castmates sa movie sa Showbiz Central. Ano nga ba ang kanyang pinaka-memorable na moment kasama si Vic when they were shooting the film? “Dami eh,” sagot ni Gwen with a very big smile matapos niyang mapaisip. Kasama ba dito ang pinag-uusapan at pinakaaabangang kissing scenes nila ni Vic? “Yes, yun yung most memorable ko kasi yun yung first kissing scene ko ever,” she admits. Ngunit ano nga ba ang kanyang naramdaman when they shot their first kissing scene, and how was it kissing Vic? “Kinabahan [ako],” kuwento ni Gwen, sabay pagbibiro, “Okay naman, walang dila so okay!” Meanwhile, sa kanyang interview naman sa Startalk TX nitong nakaraang Sabado ay kitang-kita naman ang excitement ni Gwen para sa project na ito. “Siyempre naman [excited],” she said. “Super excited na walang words na makaka-explain sa excitement ko.” Abangan ang pagsisimula ng action, magic at katatawanan sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote ngayong Pasko in theatres all around the country. Pag-usapan si Gwen at ang kaniyang movie na Si Agimat at si Enteng Kabisote sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!