What's on TV

Arra San Agustin, ikalawang leading lady ni Ruru Madrid sa 'Lolong'

By Dianara Alegre
Published October 28, 2020 10:43 AM PHT
Updated June 2, 2021 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin at Ruru Madrid


Inakala ni Arra San Agustin na prank lang ang pagkakapili sa kanya bilang pangalawang leading lady ni Ruru Madrid sa 'Lolong.'

Pinangalanan na ang pangalawang leading lady ni Kapuso actor Ruru Madrid para sa pinakabagong action-adventure series ng GMA Public Affairs, ang Lolong.

Si Arra San Agustin ang gaganap sa role ni Nadine sa serye.

Source: arrasanagustin (IG)

Aniya nang makapanayam ng 24 Oras, hindi umano agad siya makapaniwala nang sabihing siya na ang napiling leading lady ni Ruru mula sa mga nag-audition para rito.

“Feeling ko prank. Hindi ako makapaniwala like hanggang ngayong tina-try ko siya i-flashback sa mind ko na parang totoo ba?” aniya.

Maganda rin ang pagtanggap ni Ruru sa pagkakapili kay Arra dahil nagkatrabaho na sila noon para sa requel ng Encantadia.

“Nu'ng time pa lang na nag-screen test si Arra parang I realized na sobrang bagay nga niya for this role. I know na kaya niya ring ma-pull off,” lahad ni Ruru.

Samantala, sinabi rin ni Arra na tulad nina Ruru at isa pang leading lady sa Lolong na si Shaira Diaz, hindi rin niya uurungan ang mga maaaksyong eksena na gagawin nila.

“Na-try ko na rin sa Encantadia and at that time hindi talaga ako trained na trained pero nag-enjoy talaga ako sa mga ginagawa namin,” sabi pa niya.