Showbiz News

Poll: Anong Telebabad show ang iyong inaabangan ngayong 2011?

Alin sa mga paparating na bagong primetime shows ng GMA ngayong 2011 ang pinakainaabangan ng mga iGMA.tv readers? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. Maraming bagong shows ang pa-buena mano ng GMA ngayong 2011, at apat na bagong primetime shows agad ang pinagaganda at pinaghahandaan na ng mga pinakamagagaling na artista ng GMA para sa mga manonood. Nariyan ang pagsabak ni Aljur Abrenica sa kanyang daring role sa Pablo S. Gomez’s Machete, kung saan muli niyang bibigyang-buhay ang title role na iconic na sa mga Pinoy. Nariyan din ang pagbabalik ni Mars Ravelo’s Captain Barbell, kung saan muli na namang lilipad si Richard Gutierrez kasama ng isang bago at fresh na cast. May bago namang comedy sina Dingdong Dantes at Regine Velasquez, ang I Heart You Pare, kung saan sila magtatambal for the first time sa telebisyon. And of course, nariyan ang epic series na pagbibidahan ni Marian Rivera, ang Amaya. Dahil sa dami ng mga shows na dapat abangan ngayong 2011, minabuting itanong ng iGMA.tv sa aming mga readers through our poll last week: Anong Telebabad show ang iyong inaabangan ngayong 2011? 8,684 readers ang nag-participate sa aming poll nitong nakaraang linggo. Sa mga ito, nangibabaw ang mga original na shows, ngunit marami pa rin namang nag-aabang sa mga remake. 8% ang nag-aabang sa Machete, at 11% naman ang gusto nang makitang lumipad muli si Captain Barbell. 17% naman ang excited na mapanood ang I Heart You Pare. But Amaya takes the crown, getting 64% of the votes. Tiyak na magiging maganda ang mga bagong shows na ito ng GMA ngayong taon, kaya naman make sure na aabangan ninyo ang mga prime time shows na ito. Maraming salamat sa mga nag-participate this week, and don’t forget to vote sa aming bagong poll! Just log on to www.igma.tv to vote! Pag-usapan ang mga bagong shows ng GMA sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!