Showbiz News

Poll: Ano ang dapat gawin nina Heart at Raymond sa dedmahan issue na kinasasangkutan nila?

Naging matunog ang issue ng dedmahan sa pagitan nina Heart at Raymond last week. Ano nga bang solusyon dito ang gustong mangyari ng mga iGMA.tv readers? Text by Karen de Castro. Photos courtesy of GMA Network. Nitong nakaraang linggo ay naging mainit ang usapan tungkol sa dedmahan at parinigan issue sa pagitan nina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez. Nagsimula ito nang binate diumano ni Heart si Raymond sa Party Pilipinas but Raymond allegedly did not return the greeting kay Heart. Nagtuloy-tuloy ito nang diumano’y paringgan ni Raymond si Heart sa talk show na Showbiz Central. Mula nang mangyari ang insidente ay nakapagbigay na ng statements ang dalawang panig, but no resolution has been reached yet. Kaya naman this week, we went to our iGMA.tv readers and asked: Ano ang dapat gawin nina Heart at Raymond sa dedmahan issue na kinasasangkutan nila? And our readers definitely have their ideas kung ano ang dapat nilang gawin. We gave them four choices: ang magharap ang dalawang panig, ang magkasundo sila, ang manahimik na sila, or dedmahin na lang ang issue altogether. 1,114 of our readers participated in the past week’s poll. 27% dito ang naniniwalang dapat ay magharap muna sina Heart at Raymond upang personal nilang mapag-usapan ang issue. 17% naman ang naniniwalang hindi naman ito malaking issue kaya dapat ay dedmahin na lang nila pareho ito. 11% naman ng aming mga readers ang naniniwalang nasabi na nila ang kanilang mga dapat sabihin, at ngayon ay dapat na silang manahimik na lamang. But majority of our readers believe na dapat ay magkasundo na sina Heart at Raymond, with 45% of our readers opting for this solution. Maraming salamat sa lahat ng nag-participate sa aming poll last week. Don’t forget to vote sa aming latest poll! Just log on to www.igma.tv to vote! Pag-usapan sina Heart at Raymond sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Heart and Raymond. JUST TEXT HEART/RAYMOND (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) HEART/RAYMOND (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.