Showbiz News

Rhian Ramos nagkuwento tungkol sa Captain Barbell

Marami na ang nag-aabang sa pagbabalik ng paborito nating Pinoy superhero na si Captain Barbell sa GMA Telebabad. Ano nga ba ang dapat nating abangan sa pagbabalik nito sa telebisyon? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Aside from Richard Gutierrez na siyang gumanap bilang Captain Barbell, isa si Rhian Ramos sa original cast ng show. At sa pagbabalik telebisyon ng obra ni Mars Ravelo, ibinalita ni Rhian na magiging bahagi pa rin siya ng Captain Barbell. “Kasi ‘yung original na Barbell kami nga yung magkasama and then para maging fluid yung kwento para may magandang flow, kasama ako sa simula para makita nila kung pano ko ipapasa yung baton (laughs) parang ganon,” ang natatawang paliwanag ni Rhian sa amin. Tuloy pa niya, “makita niyo kung ano talaga yung growth noong character bilang nung nagsimula siya na probinsiyano si Teng na childhood friend niya si Lea. Tapos talagang buong buhay nila talagang feeling ko destined sila for each other.” Pero ano nga ba ang dapat abangan sa ikalawang yugto ng Mars Ravelo's Captain Barbell? “Pag tinuloy namin itong Barbell na ‘to, sa Manila na siya, hindi na siya sa province so may mga makikita kayong interesting [innovation] bilang sa part ng technology at saka yung mga places na famous yung Philippines for, makikita natin sa Barbell. Tapos parang ipagsasama nila ang totoong buhay at fantasy,” ang kuwento pa ng aktres. Magiging superhero din ba si Lea sa story? “Actually hindi ko pa alam, kasi nag-give way ang taping ng Barbell para sa shoot ng My Valentine Girls kasi pinapaganda namin ‘yung movie. Yung bawat detalye makikita niyo ng malaking malaki so talagang career ang lighting, ang lahat ng ginagawa namin dapat bawat kilos tama. Para talagang walang mairereklamo yung mga manonood!” Tiyak na marami na ang nagaabang sa muling paglipad ni Captain Barbell sa telebisyon. Pero, in the meantime, mapapanood natin si Richard at Rhian sa Valentines Day offering ng GMA Films at Regal Films simula Februar 9 sa mga sinehan nationwide. Pag-usapan ang pagbabalik ng Mars Ravelo's Captain Barbell sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Rhian and Richard. Just text RHIAN/RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) RHIAN/RICHARD (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.