Showbiz News

Dingdong, bilib sa mga bading

Sa press launch ng "I ♥ You Pare", game na game na sinagot ni Dingdong Dantes ang mga tanong na ibinato sa kanya ng mga press. Kasama na dito kung ano ang views niya sa mga gays. Read on and find out. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Kakaiba ang pinaka-bagong romantic-comedy ng GMA. Entitled I ♥ You Pare, magsasama si Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes para pagaanin ang ating Telebabad nights together with a powerhouse cast at talented gay performers and impersonators. Umiikot ang story ng I ♥ You Pare sa isang gay bar, ang Club Love na mina-manage ni Dingdong sa story, kaya naman hindi napigilan ng mga entertainment press na itanong sa aktor kung ano ang pakiramdam niya working with gays at kung ano ang tingin niya sa mga ito? "Nothing has changed. Siguro nadagdagan lang ang bilib ko sa kanila, especially the ones who perform, the one who are always creative," ang pahayag ng aktor. Totoo naman kasing nakakabilib ang mga kasama niya sa set na nag-perform din sa press launch ng show. In fact, maraming pinahanga ang mga gay performers sa kanilang number at isa ito sa pinaka well-applauded performance during the event. "Kakaiba ang energy at performance level. Saludo ako sa talent nila kasi hindi naman talaga sila artista pero pag nag-punchline or nag-deliver kakaiba! " Mapapanood at makikilala natin ang mga gay performers na sinasabi ni Dingdong as the story of I ♥ You Pare unfolds. Kaya naman pakatutukan ang pinakabagong romantic-comedy ng GMA Telebabad, ang I ♥ You Pare, pagkatapos ng Machete. Pag-usapan ang I ♥ YOU PARE sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest update on Dingdong through his Fanatxt service. Just text DINGDONG (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) DINGDONG (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.