GMA Logo dingdong dantes aktor ph
What's Hot

Dingdong Dantes, bumubuo ng AKTOR, nanawagan ng tulong para sa typhoon victims

By Dianara Alegre
Published November 13, 2020 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes aktor ph


Patuloy ang relief operations ng mga artistang bumubo ng 'AKTOR,' sa pangunguna ng tagapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes, para sa mga nasalanta ng bagyo.

Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng marami nating kababayan bunsod ng pananalanta ng Bagyong Ulysses, nagkaisa ang mga bumubuo ng AKTOR na mangalap ng donasyon para sa mga biktima.

Ang AKTOR ay samahan ng mga Pilipinong aktor, sa pangunguna ng tapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes

Source: dongdantes (IG)

Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang grupo ng tulong--pinansyal, pagkain o gamit-- mula sa publiko.

“Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

"Humihingi ang AktorPH ng tulong na abot sa kakayanan n'yo--malaking tulong ang anumang halaga o ang mga sumusunod: Damit, kumot, tuwalya, vitamin C, tubig, bigas, de lata,” nakasaad sa panawagan ni Dingdong.

Hinikayat din ng aktor ang lahat na magkaisa, “Sama-sama nating harapin ang sakunang ito at iahon ang isa't isa.”

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Maaaring dalhin sa TAuMBAYAN, 40 T Gener cor K1st, Barangay Sacred Heart, Kamuning, Quezon City ang mga donasyon.

Katuwang ng AKTOR ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), Andrew's Fund PH, at YesPinoy Foundation sa naturang relief operation.

Samantala, sa mga nais magpaabot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa kanilang website para malaman ang iba't ibang paraan ng pagbibigay ng donasyon.