GMA Logo Jasmine Curtis Smith
What's Hot

Jasmine Curtis-Smith, personal na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses

By Felix Ilaya
Published November 15, 2020 10:56 AM PHT
Updated November 15, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis Smith


Kabilang si Jasmine Curtis-Smith sa Aktor PH members na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina at Rizal.

Nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa bansa nitong Huwebes, November 12, isa ang Aktor PH sa mga non-government organization na nangolekta ng pondo at relief goods para maipaabot sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ilan sa mga miyembro ng Aktor PH na personal na dumalo sa kanilang relief operation sa Marikina noong November 13 ay sina Dingdong Dantes, Jasmine Curtis-Smith, Sunshine Dizon, Angel Locsin, Paolo Paraiso, Pinky Amador, at Kim Molina.

Sa pamamagitan ng Instagram post ni Jasmine, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nag-donate sa kanilang organisasyon.

Aniya, "From everyone at @aktorph, thank you to those who have donated and special mention and thanks to @r33trucks for being with us during our first batch of relief distributions! We were able to complete 4 distributions today around Marikina!

"It truly is heartbreaking to see all the photos and videos online, even more in person."

Umaasa naman si Jasmine na makakatulong ang mga relief goods na kanilang naipaabot sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

"We hope that what small help we can give will be able to assist you the next couple of days and we pray for those who are still trying to manage with what's left of their homes," ika ng aktres.

Isang post na ibinahagi ni Jasmine (@jascurtissmith)

Maliban sa Marikina, bumisita rin si Jasmine kasama ang mga miyembro ng Aktor PH sa San Mateo, Rizal para sa isa pa nilang relief operations sa munisipalidad.

Kasalukuyan pa rin silang lumilikom ng pondo at relief goods para naman sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.

"Habang tuloy tuloy ang pagtulong natin sa mga nasalanta ng sunod sunod na mga bagyo huwag tayong tumigil dahil ang mga kababayan naman natin sa Cagayan Valley ang kailangan ng tulong natin. Ngayon."

Isang post na ibinahagi ni Aktor PH (@aktorph)