Showbiz News

Kim Domingo, umalma sa puna, ''Wag mong ibase ang caption sa pananampalataya ng isang tao.'

By Cara Emmeline Garcia

Hindi pinalampas ni Kim Domingo ang puna ng isang netizen sa kanyang latest Instagram post na may kasamang caption na “I'm back.”

Saad ng netizen sa aktres ay dapat pagtuunan ng pansin ni Kim ang kanyang pananampalataya kaysa sa pagpo-post sa social media account.

“Madami na nangyayari sa mundo, caption mo you're back…” ani ng netizen.

“Sad but true. People are living here on Earth for pleasures. Be a God pleaser, not a people pleaser. Take time to pray, not to post on IG.”

Sagot naman ni Kim, “Madami nga nangyayari ngayon sa mundo at isa ako sa mga nagpaabot ng tulong. Hindi ko sana sasabihin 'to kaso nabasa ko comment mo.

“Para rin maliwanagan ka. 'Wag mo ibase sa caption ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon. God bless.”


Source: kimdomingo_ (IG)

Noong Oktubre, naging cover girl si Kim sa isang local magazine kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang kagustuhang iwanan ang sexy image niya noon.

“I told myself: I just want to be happy; ayoko ma-stuck ako sa box na 'yun, at hindi ako makaalis just because I was afraid of what's gonna happen or what's I'm going to lose or what others' are going to say,” aniya.

“I believe every woman deserves to be respected regardless of what she wears or what style she chooses. Having a sexy image does not have to equate to being disrespected.

“I want to tell those people who feel like they do not belong. Just remember, do whatever makes you happy. Follow your heart. Learn to stand up for yourself. Be strong. Because in the end, it is your life. It is your choice. We cannot please everybody.”