Showbiz News

Jennica Uytingco, nakiusap sa mga kritiko: ''Wag na po sanang batuhan ng hate kaming rescuers'

By Dianara Alegre

Nanawagan si Jennica Uytingco, kasapi ng non-government organization na Alliance Search and Rescue, sa publiko na unawain ang kalagayan ng mga gaya niyang rescuer tungkol sa “hindi nila pagsusuot ng face mask” sa kanilang mga rescue operation.

Idinaan ni Jennica ang kanyang panawagan sa social media, kasama ang paliwanag hinggil dito.

“Nakikiusap po. Wag na po sanang batuhan ng hate pa kaming mga rescuers.

"In the previous post that I made, ALL THE PHOTOS WERE FROM OUR PAST RESCUE AND MEDICAL OPERATIONS. KAYA WALANG MASK.

“I shared the photos to show proof that Alliance Search And Rescue (ASAR) is on the field when calamaties strike,” panimula niya.

Source: jennicauytingco (IG)

Sabi pa niya, kusang-loob silang sumasaklolo sa mga nangangailangan lalo na tuwing may kinakaharap na sakuna ang bansa.

“Hindi naman kami sumesweldo sa serbisyong aming ibinibigay para makarinig pa ng kutya mula sa iba sa inyo. Pasintabi naman po ng kaunti. Alliance Search and Rescue is a Non-Government Organization that has been doing public service since 2016.

“Hindi ko lang po lubos maisip na ganitong klase ng emergency kinakailangan ko pa magpaliwanag kung bakit walang mask sa litrato.

“Sino ba ang may gusto na tamaan ng COVID? I am deeply moved with the prayers and thank you's that netizens has been gladly offering subalit hindi ko rin maiwasan mahiya dahil pag nasa field na dinadaga rin talaga ako,” dagdag pa niya.

Inamin din niyang hindi nawawaglit sa kanya ang matakot para sa sariling kalusugan at ng pamilya niya sa tuwing sasaklolo siya para sa iba, lalo na ngayong may pandemya.

“'Yun talaga ang word dadagain ka talaga sa lakas ng alon, sa taas ng tubig, COVID, leptospirosis. Tumatakbo sa isip ko ang bata pa ng mga anak ko. Pero paano 'di ba? May training ako, nag-commit ako na ialay ito sa nangangailangan kulang sa man power alangan pumirmi lang ako sa bahay,” aniya.

Iginiit din niyang ipinagdasal ang mga rescuer sa halip na kutyain at batikusin.

“Dasal na lang po kung walang hindi magandang masasabi dahil lahat naman tayo iisa ang hangarin. Ang isalba ang buhay ng mga taong sumisigaw ngayon mismo sa oras na ito para sagipin sila at tuluyang mabuhay sa mundo,” aniya.

Kabilang si Jennica at kanyang mga kasamahan sa mga rumesponde sa mga na-stranded na mga residente ng Marikina at Rizal nang malubog sa baha ang ilan sa mga lugar dito na dulot ng malakas na ulan at hanging dala ni Bagyong Ulysses na tumama sa bansa nong Huwebes, November 12.

Source: jennicauytingco (IG)