GMA Logo Carmina Villarroel
What's Hot

Carmina Villarroel gives a room tour of her lock-in taping accommodation

By Maine Aquino
Published November 17, 2020 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Alamin ang mga dinala ni Carmina Villarroel sa one-month lock-in taping para sa isang movie project.

Sa bagong vlog ni Carmina Villarroel ay ipinakita niya ang kanyang hotel room kung saan siya titira for one month para sa isang lock-in taping.

Ang lock-in taping ay isa sa mga patakaran na ginagawa sa mga movie or TV projects ngayong new normal para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Bago pa man siya mag-swab test at tumungo sa hotel ay nagpaalam muna siya sa kanyang dalawang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi (). Ang Legaspi twins ang naghatid sa kanilang mommy Carmina sa taping.

Saad ni Carmina, "Today is the day. Mag-lock in ako for almost a month. Hinatid ako ni Maverick. Mav, thank you for making me hatid. Also, my baby girl."


Pagdating sa kanyang kuwarto ay ipinakita ni Carmina ang kanyang mga gamit na dinala para sa taping. IIan sa mga ito ay ang toiletry kit, electric fan, detergent, fabric softener, disinfectant, UV box, alcohol, mga pagkain, at marami pang iba.

Dahil sa allergies umano ni Carmina ay minabuti niyang magdala ng UV vacuum.

"Ginamit ko 'to kanina para sa kama... Kinukuha niya 'yung dustmites, mga alikabok, mga ganyan."

Meron ring dinalang air humidifier at ginamit niya ito bago pa man siya pumasok sa kanyang kuwarto. Kuwento ni Carmina, "Ginawa ko bago kami pumasok dito, naka-on na siya para nadi-disinfect na 'yung air, 'yung room at lahat ng mga gamit namin talagang pinausukan ko talaga, bago ko talaga pinasok dito."

Nagdala rin si Carmina ng kanyang workout clothes at nagtalaga ng isang spot kung saan niya gagawin ang kanyang exercise routine.

"Since naka-lock-in kami ng almost a month, Nagdala ako ng workout clothes. At least meron naman akong space dito."

Panoorin ang kanyang room tour mula sa kanyang YouTube channel.



RELATED CONTENT:

Carmina Villarroel shares secret to her youthful skin

WATCH: Legaspi family, sinubukan ang Cookie Roulette Challenge

Cassy Legaspi's anniversary message for parents Zoren Legaspi and Carmina Villarroel: "Sana All"