
Inilarawan ni Kapuso actress Arra San Agustin ang kanyang sarili bilang isang "workaholic."
Pero dahil sa pagtama ng pandemic, natigil pansamantala ang kanyang trabaho.
"Parang feeling ko ang useless ko kapag wala akong nagagawa sa isang araw na wala kong trabaho, na puro pahinga," paliwanag ni Arra sa isang online interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.
Aminado si Arra na nagdulot sa kanya ng anxiety ang pagtigil ng trabaho.
"Since ngayon lockdown, nasa bahay lang, chill chill lang sa bahay, talagang medyo naging anxious ako na ang dami kong naisip," aniya.
Gayunpaman, nagamit daw niya ang oras ng pahinga na ito para sa kanyang sarili.
"At this point, nagamit ko siya para mag-reflect, para mas magkaroon ng time sa sarili ko and sa family ko," pahayag niya.
"'Yung lifestyle change, medyo nagkaroon ng 'slow down' doon sa buhay ko--mas naging relaxed, mas naging reflective," dagdag pa niya.
Ito rin daw ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makasama ang kanyang pamilya.
"Since noong before po noong quarantine hindi ko po sila nakakasama.
"Mag-isa lang ako nakatira sa condo so at least ngayon, nasa bahay ako. Kasama ko po 'yung family ko, kasama ko 'yung kapatid ko, 'yung mommy ko, 'yung mga dogs namin.
"Sobrang happy ako na nakaka-bond ko po sila," kuwento ni Arra.
Magkakasama silang gumagawa ng mga bagong alaala na babaunin daw niya bilang inspirasyon oras na bumalik na siya sa trabaho.
"Na-realize ko, ito 'yung nami-miis ko noong mga araw na nagtatrabaho ako. At least mayroon din akong pangbaon na inspiration and motivation.
"Magagamit ko 'yung mga bonding moments namin ng pamilya ko during the quarantine kapag nag- start na rin kaming mag-shoot," ani Arra.
Bahagi si Arra ng upcoming GMA action-adventure series na Lolong.
Makakasama niya dito sina Ruru Madrid at Shaira Diaz.
Nakatakda namang magsimula ang lock-in taping ng Lolong bago matapos ang taon.