Showbiz News

Ken Chan and Rita Daniela's new series aims to shed light on the importance of mental health

By Jansen Ramos

May bagong drama seryeng aabangan ang fans nina Ken Chan at Rita Daniela na mapapanood sa GMA--Ang Dalawang Ikaw.

Ito ang ikatlong tambalan nina Ken at Rita matapos ang My Special Tatay at One of the Baes.

Kung napatunayan nila ang kanilang galing sa romantic comedy, mapapasabak naman ang dalawa sa heavy drama sa Ang Dalawang Ikaw bilang mag-asawa.

Matutunghayan dito ang mga pinagdadaanan ng isang taong may sakit sa pag-iisip. Layon ng Ang Dalawang Ikaw na magbigay ng kamalayan tungkol sa seryosong usapin ng depression at kabuuang mental health ng isang indibidwal.

Gaganap si Ken bilang isang lalaking may dissociative identity disorder--isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente. Kaya magkakaroon ng dalawang katauhan si Ken--bilang si Nelson at si Tyler.

Si Rita naman, mapapanood bilang Mia, ang asawa ni Nelson. Magkakaroon siya ng kaagaw sa mister dahil sa alter personality nito.

Ipakikilala naman si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancée ni Tyler.

Makakasama rin nila sa serye sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joanna Marie Tan, at Jeremy Sabido.

Abangan Ang Dalawang Ikaw, malapit na sa GMA.