GMA Logo Ten wheeler truck
What's Hot

Jennylyn Mercado, nanawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan

By Jansen Ramos
Published November 18, 2020 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ten wheeler truck


Nais punuin ni Jennylyn Mercado ang isang 10-wheeler truck, na tinawag niyang "StarTruck," ng relief goods at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga naapektuhan ng bagyo sa Cagayan.

Nanawagan si Jennylyn Mercado ng donasyon para sa mga biktima ng Typhoon Ulysses sa Cagayan.

Ayon sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, November 18, nais punuin ng StarStruck first female Ultimate Survivor ang isang 10-wheeler truck ng relief goods. Ang truck, na tinawag niyang "StarTruck," ay maghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo. Nakatakdang bumiyahe patungong Tuguegarao, Cagayan ang truck sa susunod na Biyernes, November 27.

"Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there's room for more donations," sulat ni Jennylyn.

Sa mga nais mag-donate ng in-kind, maaari itong ipadala sa Litterbucks Cat Cafe ni Jennylyn, na matatagpuan sa 128 Animat Bldg. Maginhawa St. Teacher's Village, Quezon City.

Tumatanggap din ang team ni Jennylyn ng monetary donations na maaaring ipadala sa kanyang GCash account at sa bank account ng cafe ng aktres.

Kaugnay nito, ang kalahati ng kikitain ng Litterbucks ay gagamitin pambili ng essential supplies bilang karagdagang donasyon sa displaced families sa Cagayan bunsod ng bagyo.

Related:

Rocco Nacino assists Navy and Marines in a relief operation in Rodriguez, Rizal

Jasmine Curtis-Smith, personal na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses

Celebrities join forces for Typhoon Ulysses victims