GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali on working with 'Legal Wives' cast: "Sobrang humbling"

By Dianara Alegre
Published November 20, 2020 11:36 AM PHT
Updated June 2, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Makakasama ni Bianca Umali sa 'Legal Wives' sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Cherie Gil.

Kabilang ang aktres na si Bianca Umali sa bagong Kapuso drama series na Legal Wives na pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Tampok din sa programa ng mga batikang aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Cherie Gil.

Bianca Umali

Source: bianxa (IG)

“Kinakabahan po ako talaga sobra. 'Yung mga kasama ko po sa serye, e, hindi po biro lahat. They are all very great actors and very experienced din. Sobrang humbling po,” aniya.

Ang Legal Wives ay tungkol sa istorya ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Kasama rin sa cast sina Shayne Sava, Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

Habang hindi pa nagsisimula ang lock-in taping para sa Legal Wives, ay abala muna siya sa pag-guest sa ibang Kapuso programs.

Sa katunayan, siya ang bida sa episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado kasama ang aktres na si Angelu de Leon.

Ang naturang episode ay tungkol sa istorya ng pamilyang dumanas ng pagsubok nang mabagsakan ng eroplano ang kanilang tahanan.

“'Yung character ko po sa 'Wish Ko Lang' is a very outgoing person and talagang mapagmahal sa nanay. Mag-best friends silang mag-nanay.

“Ang nanay ko rito ay Ms. Angelu de Leon and I'm very happy to be working with her again after a long time,” ani Bianca.

Abangan si Bianca sa bagong episode ng Wish Ko Lang sa Sabado, November 21.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.