Showbiz News

Elijah Alejo, naglunsad ng donation drive para sa mga nasalanta ng bagyo

By Dianara Alegre

Upang ipagdiwang ang kanyang 16th birthday ay naglunsad ng donation drive si Prima Donnas star Elijah Alejo para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Cagayan.

Sa halip na tumanggap ng regalo, mas pinili ng young actress na mangalap ng donasyon at makatulong.

Source: itselijahalejo (IG)

“Gumawa po kami ng campaign, kami ng Elijahnatics. May donation drive po kami para sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Naging masaya rin ang celebration ng birthday niya sa lock-in taping ng Prima Donnas kasama ang kanyang co-stars.

“Du'n po ako nag-celebrate talaga tapos nagpaayos pa po ako kay Jillian. Nagpa-makeup po ako tapos inayusan din po ako ng stylist namin kaya feel na feel ko po 'yung birthday ko,” kwento niya.

Napanonood ngayon ang mga bagong episode ng serye na may mas pinatindi at mas kaabang-abang na mga tagpo.

Kung hindi naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.