What's on TV

Alice Dixson, excited sa role bilang isang Muslim sa 'Legal Wives'

By Bianca Geli
Published November 21, 2020 12:05 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Alice Dixson


Paano naghahanda si Alice Dixson para sa kanyang role sa 'Legal Wives?'

Excited na si Kapuso actress Alice Dixson na gampanan ang kaniyang role bilang isang Muslim sa upcoming Kapuso series na Legal Wives.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, maraming natutunan si Alice sa pinakauna niyang Muslim role.

"Now that dumating itong pagkakataon na I can learn more about their culture, it's quite fascinating actually.

"Ang ganda ng pagkasulat. Kumbaga it doesn't matter what religion you are. It all boils down to your family, the values that you have. Yung bang the love that you share," kuwento ni Alice.

Isang post na ibinahagi ni Alice Dixson (@alicedixson)

Gaganap si Alice bilang ang karakter na si Almirah Macadato. Kabilang sa cast ng Legal Wives sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil, na makakatrabaho ni Alice sa unang pagkakataon.

Bukod sa paghahanda para sa Legal Wives, aktibo rin si Alice sa kaniyang YouTube channel kung saan tampok ang ilan sa kaniyang fans at celebrity friends pati na rin ang kaniyang mga paboritong recipes.

Isang post na ibinahagi ni Alice Dixson (@alicedixson)


Alice Dixson gives netizens a glimpse of their Boracay home